Chapter 18

57 7 1
                                    

“crois la”

———

———

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

———

“Kieran pagod na ako, pahinga muna tayo!” reklamo ni Meadow kay Kieran.

Mag iisang oras na kase kaming naglalakad dito ngunit wala pa kaming nakuhang lead kung saan namin makikita si Vivienne. Sabi nila Headmaster ay sa mainland town makikita si Vivienne ngunit parang hindi nila kilala ito. We've talk to locals, young, old and even stall owners pero hindi sila pamilyar sa pangalang Vivienne Girskay.

“Oo nga Kieran, mukhang pagod na rin si Aurelia” pangungunsinti rin ni Atreus sa kapatid nito.

“Fine. Let's take a 10-minute rest” sagot nito bago naupo sa pinaka malapit na bench na nakita nya.

Kaagad naman akong hinila ni Meadow sa katabing bench ni Kieran at padabog na naupo rito.

“Finally! Grabe, na stress ako!” reklamo nito habang pinapaypayan ang mukha gamit ang dalawang kamay nya.

“Over acting naman Meadow” ayan, nagsisimula nanaman ang kambal sa pag aasaran

“Tahimik, magpahinga kayo” napatingin ang tatlo kay Kieran. All of them looks kinda shocked.

“Oyy Tagalog un a Prinsipe! Marunong ka pala!” si Dawson habang sinusundot ang tagiliran ni Kieran.

“Shut up” sagot nito at sumandal sa bench bago ipikit ang mata.

“Yiiiee, lagkit ng tingin natin Aurelia hah” napalingon ako kay Meadow dahil sa sinabi nito.

“What are you saying?” I asked

“Sus! Kala mo di ko nakitang nakatitig ka kay Kieran? Yieee” panunukso nito sakin. Napalingon ako sa gawi ni Kieran, kita kong pasimple nitong minulat ang mata niya.

“Am I?” depensa ko naman


“Defensive! Hahaha, ikaw hah!” sinimulan nitong sundot sundutin ang tagiliran ko. Nang makita nitong hindi ako nagpapakita ng emosyon ay itinigil na niya ang ginagawa nya ngunit patuloy parin siya sa paghagikhik. Hindi ko ito binigyan ng pansin. Ibinaling ko ang atensyon ko sa mga taong palakad lakad dito sa bayan. Pinag mamasdan ko lang ang mga ito hanggang sa makuha ng atensyon ko ang isang matandang babae na naglalakad papunta sa isang lumang balon, di kalayuan sa pwesto namin. She's old looking but she's not old. I mean, parang may iba sakanya. Imbes na mag isip pa ay inalis ko nalang ang atensyon ko dito. Kailangan ko pang umisip ng paraan kung paano namin mahahanap si Vivienne.

Parang hindi naman siya kilala ng mga tao dito. Marami na kaming napagtanungan ngunit hindi daw sila pamilyar sa pangalang Vivienne Girskay. Isn't she famous? Headmistress said that she's living here, sa mismong mainland town so I'm guessing na maaring may shop sya dito, o di kaya naman ay may bahay siya dito. Pero paano namin malalaman? This town is too huge.

The Tale Of Aurelia: Glimpse Of EternityWhere stories live. Discover now