Chapter 5

121 28 8
                                    


Tahimik lang kami ngayon ni Abby habang papunta sa parking lot nakakainis naman to gusto ko sana makausap si Coleen para tigilan na ako kaso parang nilalayo ako ng panget na to

"Lukot na lukot mukha ah? Napakapanget" Nakasimangot na napanganga naman ako sa sinabi ng kasama ko

"Hoy ikaw bakit ba sasabay ako sayo eh ako yung may sasakyan at ikaw yung nakikisabay?" Singhal ko sakanya habang patuloy sa paglalakad

"Nilalayo lang kita sa pinsan ko alam ko naman na nakukulitan kana sakanya" malumanay na saad niya

"Tsh kung hinayaan mo ako sakanya ngayon edi sana hindi niya na ako kukulitin bukas bakit kasi napakaepal mo"

"You mean papalayuin mo na siya?"

"Yeah gusto ko ng peace of mind kaya pwede ba pakihinaan na yung pagcoconcert mo" Napangiti naman siya at tumango tango "Siraulo" bulalas ko

"Anyway anong dinner mo ngayon? Pwede bang makikain?" Aba napakakapal  naman ng mukha niya nakisabay na makikikain pa

"But it's okay kung ayaw mo" Hindi naman mukhang masama ang loob na pagkakasabi niya

"May sinabi na ba akong ayaw ko? Kung gusto mo sabay tayong kakain pero ikaw magluluto" Yun lang naman naiisip kong kondisyon kung gusto niya alangan ipaghain ko pa siya

"Sure ano bang gusto mo?"

"Ikaw---- Ah I mean ikaw bahala" Nilinaw ko na agad dahil baka magreen minded ang loko

Nakarating na kami sa sasakyan at nagsimula na akong magdrive hanggang sa makauwi sa bahay. Nagpalit muna si Abby ng damit habang ganon din ako malinis naman ang bahay kaya kahit magdire diretso siya ayos lang

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako may maingay na sa kusina kaya paniguradong nagluluto na siya

"Ang bango ha siguraduhin mong masarap yan" Hindi naman ako nito pinansin kaya tinapik ko siya sa braso

"Oo mas masarap nga lang ako dito kaya kung gusto mo ak----"

"Shhhhh may bad words na lalabas sa mouth mo eh" Mabilis na pagputol ko sa kung ano mang sasabihin niya

Asa naman siyang papatol ako? Hello araw araw niya akong binubwisit at di binibigyan ng maayos na tulog kaya imposible mukha rin naman walang pagtingin saken to dahil ex ko ang pinsan niya

Naupo muna ako sa sala at binuksan ang TV mukhang matagal pa konti yung niluluto niya ayoko naman makipag usap ng sobra baka mabadtrip lang ako

"Anong pinapanood mo?" mukha bang meron na? Sana tinignan niya muna yung TV bago nagtanong diba "Ano nga?"

"Obvious ba? Wala pa" Irita kong sagot

"Edi samahan mo ako sa kitchen ako nalang panoorin mo" Di makapaniwalang nilingon ko siya at napataas pa nga ng dalawang kilay si Tanga

"Ang panget mo para panoorin baka maumay pa ako" Nagtaas naman siya ng dalawang balikat at bumalik na sa kitchen

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakakarinig na ako ng pag ingay ng plato sa lamesa tapos na siguro siya hindi ko na hinintay na tawagin pa ako para kumain nagkusa na akonv tumayo at pinatay ang tv

Habang papalapit ako naaamoy ko na yung bango ng niluto niya "Bango ha sana masarap" pang eechos ko

"Tara kain na" Iminuwestra niya pa yung upuan sa akin kaya naupo na ako at nagsimulang magsandok ng kanin at ng niluto niya naupo na rin siya sa gilid ko at tinanggal ang apron

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blue NeighborhoodWhere stories live. Discover now