Chapter 1

1K 33 0
                                    


"Have you heard it? Andyan daw si Sam sa labas."

Bungad agad ni Jinky sa amin ni Clooey nang pumasok siya sa tent namin.

"Sam?" Clooey asked her. Busy kasi ang bruha sa pag-aayos nang make-up ko eh.

"Ano ka ba, Clooey? Si Sam, as in the Sam na idol natin."

"What?!" Agad namang nabitiwan ni Clooey ang yung brush na hawak niya at shock na tumingin kay Jinky. "Bakit di mo sinabi agad?!" Agad na tumakbo palabas si Clooey.

"Oy, sandali!" Habol ko sa kanya. Papaiwan ba ako? Idol ko rin kaya yun si Sam. Actually, madaming aspiring Filipino models ang humahanga kay Sam. She's known worldwide kahit pa nga ngayon na mag-iisang taon na rin mula nang tumigil siya sa pagmomodel. Sabi ni Clooey nakahanap na siya nang jowawits eh.

"Excuse us..."

At talagang nakisiksik kami sa kumpulan nang mga tao para lang makita si Sam.

"Are you included at the catwalk today?... We heard about your engagement. When are you going to introduce to the public your fiance?... What will be your role to this Paris Fashion Week?" At pinutakte na nga ng mga tanong si Sam. Mga hayok talaga tong mga media people na to eh no.

Sabagay, big deal nga naman kasi ang presence niya dito. And yes, we're currently here at the prestigious Paris Fashion Week, where fashion people gather to showcase what they've got from accessories to dresses.

"Ang ganda ni Sam." Sabi ni Jinky sa tabi ko. Agad ko namang nakita ang tinitingnan niya. Mabuti na lang at umalis itong nasa harapan ko. At napanganga na lang ako nang makita ko si Sam.

How can a woman be this perfect looking? Simpleng white cocktail dress lang naman ang suot niya pero lutang na lutang pa rin ang ganda niya. Kainis!

"Why can't I be here? As far as I know, Paris Fashion Week is for everybody, who has a fetish taste for beauty. And I love fashion so I don't think you have to be surprised about my presence here."

"Wow! Ang galing pa niyang mag-english. Walang wala ka, Dixie." Sabi naman sa akin ni Clooey na nasa kaliwa ko. Grabe talaga tong babaeng ito. Talagang may comparison lang?

"Nakakapag-english din naman ako eh."

"Oo nga naman, Clooey. Ang hard mo lang talaga dito kay Dixie. Keri naman niyang mag-english eh. Baroque nga lang." Tapos humalakhak pa yung dalawang bruha.

"Grabe kayo sa akin ha! Atleast ako maganda eh kayo?"

"Aanhin mo ang ganda kung tanga ka naman."

"Aanhin ko ang ganda? Well, I'm here at the Paris Fashion Week. At hindi lang ako basta basta dito. I am one of the fashion models here."

"Kaya nga. Isa ka sa libo-libong models na naririto. As if makakaagaw ka nang attention ng mga big time people dito kung hindi ka makausap dahil yung dila mo umaatras kapag foreigners na ang kausap."

"E di sisihin niyo yung dila ko. Wag ako no."

"Ewan ko sayo, Dixie. Tara na nga doon at baka may kumausap lang sayo dito bigla at mapahiya ka lang ulit nang bongga." Atsaka na nila ako tinalikuran. Pasalamat tong dalawang to at kaibigan ko sila.

Pabalik na kaming tatlo sana kami sa Tent na provided para sa grupo namin nang biglang may makasalubong kami along the way. Isang babaeng matangkad, sexy, maganda at ala-Megan Fox ang datingan. Si Sophy Tan. Agad akong lumapit sa isang gilid ni Clooey. Ganun rin ang ginawa ni Jinky. Huh! Charlie's Angels lang ang peg di ba?

"Well, look who's here..." Biglang sabi ni Clooey nang malakas. Mortal enemy yang dalawa. Mag-agawan ba naman daw nang boyfriend eh. At kung sinuswerte ka ba naman, nagkita pa talaga yung dalawa dito. Masyado talagang maliit ang Earth para sa mga babaeng tanga sa pag-ibig.

Aphrodite ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon