Chapter 14

148 12 0
                                    


"Oo nga pala. Okay na ba talaga kayo nang Nanay mo?" Mahinang tanong sa akin ni Clooey.

"Oo. Ganito kasi yun..." Tapos kinuwento ko na sa kanya kung pano kami naging okay ni Nanay.

"At least, ayos ka na sa kanya kahit pa alam mo na, all about money lang ang peg niyo." She whispered to me the last part.

"Hopefully, habang tumatagal hindi na maging ganun yung circumstances namin nila Nanay at Diana. Gusto ko din namang maging maayos kami sa isa't isa."

"And you deserve to get that hope of yours. By the way, this week, focus kayo ngayon sa designer job mo diba?"

"Oo nga pala. Hindi ko pala kayo masyadong makakasama ni Jinky ngayong week."

"Bakit? Pwede naman tayong magsabay sabay nang lunch break di ba?" Singit bigla ni Max. Makikiayon na sana ako sa kanya kaya lang bigla akong hinigit ni Clooey paharap sa kanya.

"Sayang kagabi no. Hindi ka tuloy nakahanap nang bagong boyfriend. Si Joseph kasi eh." Pag-oopen ni Clooey tungkol sa nangyari kagabi.

"Oo nga eh. Nakakainis talaga yung si Joseph."

"Gusto mo bang sumama sa amin ni Jinky sa Friday?"

"Saan naman?"

"Speed dating."

Tatanggi na sana ako pero pinigilan ako bigla ni Clooey.

"I know it's not your thing pero kung gusto mo talagang makahanap nang boyfriend, this is also one way to find a perfect match for you."

"I don't know, Clo. Alam mo namang Hypocrisy Dating ang tingin ko doon eh. Besides, kelan ka pa naging interesado sa mga ganung event? Akala ko ba si Bebe John lang forever?"

"Siya pa rin naman. Pero I also need to have some flings no. Sayang ang ganda ko."

"Matagal nang sayang ang ganda mo no."

"Whatever! Basta sumama ka na lang ha."

"Hindi siya pwede. Mag-oovertime siya sa Friday." Sabi namang bigla ni Max.

"What? Friday na nun, Max. Isang linggo na nga siyang nagtrabaho, pag-o-OT-hin mo pa siya sa Friday? Asan ang katarungan doon?"

"Sa panahon ngayon, lugar na lang ang may katarungan. Maghanap ka na lang nang ibang mayayaya."

"O sige, ikaw na lang. Wala ka namang girlfriend di ba?"

"Sinong nagsabi sayong wala?"

"Bakit meron ba?" I asked him. Nacucurious lang ako. Sa sobrang workaholic kasi niya parang wala na siyang time para sa mga relationship ek-ek. But then again, isang linggo ko pa lang siyang nakikilala. Malay ko naman di ba?

"Walang girlfriend yan." Sabi ni Luke na kakadating lang pala kasama si Jinky at may bitbit silang mga plastic ng pagkain.

"O san ka pupunta?" Tanong sa akin ni Clooey nang tumayo ako para pumunta nang kusina.

"Titingnan ko lang kung maluluto na yung ulam. Tutulungan ko na ring mag-asikaso doon si Nanay."

"Sama ako." Tumayo din si Max.

"Bakit?"

"Baka magpapalakas?" Sabi naman ni Jinky.

"Magpapalakas?"

"Wala. Tara na lang. Oy, ubusin niyo na yang pinamili niyo para kaunti lang ang makain niyo." Sabi niya dun sa tatlo.

"Asa ka. Masarap kaya ang niluluto ngayon ni Tita." Sabi ni Luke. Asensado nga tong dalwang to eh. Lakas maka-Tita! Samantalang yung dalawa eh Aling Lina ang tawag kay Nanay.

Aphrodite ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon