Chapter 17

132 12 0
                                    


"Hoy!"

"Ay malamig na Max."

"Aha! Si Max pala ang iniisip mo ha. Kaya pala kanina ka pa tulaley diyan."

"Sira! Malamig nga di ba? Yung Maxx candy ang iniisip ko, yung menthol."

"Gaga! Anong akala mo sa amin, engot? Bakit mo iniisip si Max? Ikaw ha, may hidden desire ka sa kanya no."

"Lul! Hidden desire agad? Hindi ba pwedeng may nalaman lang ako tungkol sa kanya na napakadisturbing?"

"At ano naman yun?"

"Ah... eh..."

"Ganun? Lihiman na tayo?"

"Eh nagpromise kasi ako eh."

"Ganyan ka na ngayon, porket designer ka na ha."

"Anong connect?"

"Wala. Pero basta. Sabihin mo na kasi sa amin."

"Aish! Hindi nga pwede." Tumayo ako sa pagkakaupo ko doon sa stool at lumayo sa kanilang dalawa. Paniguradong puputaktehin ako nang dalawang to.

"Ano ba kasi yun, Dixie? Akala mo ba hindi namin napapansin. Kanina mo pa yan iniisip nung puntahan mo pa lang kami sa studio tapos hanggang ngayon na nandito na tayo sa condo occupied ka pa rin. Sabihin mo na sa amin yan, Dixie. Mamaya masobrahan ka sa pag-iisip, mapwersa pa yang utak mo. Kakarampot na nga lang eh, maooverwork pa."

Agad akong lumapit kay Clooey at pinaghahampas siya. "Grabe ka talaga sa akin, alam mo ba yun."

"Alam ko. At tantanan mo na yang paghampas mo sa akin."

"Tsk!"

"Ano ba kasi yun?"

"Nag-away kasi si Max at Luke."

"Anong pinag-awayan?"

"Hindi ko nga rin alam eh. Paputol putol sila nang sinasabi tapos nung huli, pinagbantaan ni Luke na lulumpuhin niya si Max kapag lumapit ito sa kanya na umiiyak."

"Baka naman nagsusugal si Max?"

"O baka naman maga-out na si Max? OMG!"

"Ha-ha. Ang brilliant niyong dalawa, grabe. Wala akong masabi."

Bigla naman akong binatukan nung dalawa.

"Alam mo, wag mo nang isipin yung dalawa. Malaki na sila. At isa pa, mas kilala nilang dalawa ang isa't isa no. Alam mo namang hindi lang magpinsan yung dalawang iyon eh. MagBFF din. Kaya imposibleng matiis ni Luke si Max."

"Ewan! Ang seryoso kasi nilang parehas kanina eh."

"Eh anong gusto mong gawin?"

"Hindi ko alam."

"O eh iyon naman pala eh. Kung wala kang maitutulong, wag ka nang makisawsaw pa. Problema nila yun. Hindi ka kasali. Ang problemahin mo na lang eh kung anong isusuot mo sa Speed Dating."

"Isa pa yan. Kailangan ko ba talagang pumunta diyan."

"Nabili na kitang ticket no. Wag ka nang magmaganda diyan. Maghanda ka na lang para sa pagboboy's hunting natin mamaya."

*
At kagaya nga nang pinlano nila, pumunta kami sa Speed Dating. Nakacasual dress lang kaming tatlo. Pero kung ako ang tatanungin, magshishirt na lang dapat ako at jeans. Kaya lang ayaw nila Clooey.

Simple lang naman ang pinagawa sa amin doon. Pinagintroduction lang kami. Tapos every five minutes, mamimili ang boys nang mga girls na gusto nila. Kikilalanin nila kami and the likes. Kami namang girls ay may karapatang manreject kapag ayaw namin sa mga lalaking nasa harap namin.

Aphrodite ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon