Chapter 24

131 14 0
                                    


"Dixie, Dixie, Dixie. Wag ka nang magmaang-maangan. Kilala kita. Gagawin mo ang lahat nang paraan para makamit mo ang pangarap mo. And look, andito ka na sa Fashion Event. So tell me, masarap bang ikama ni Max? Sinasampal ka ba niya nang pera kada matatapos kayong..."

"Shut up, Amore." Sabi nang isang familiar na boses. Si Max. Agad siyang lumapit sa akin at inakbayan ako. Pero hindi lang siya nag-iisa. Kasunod niya si Sam. Hindi ko alam kung anong mas nakakapagpakirot nang puso ko ngayon. Yung mga sinabi ba ni Amore o yung nakita ko silang magkasama.

"Amore, kung naiinggit ka kay Dixie, wag mo naman masyadong ipahalata." Sabi ni Sam.

"Sam, labas ka dito."

"Oh? Tingin ko hindi rin. At isa pa, sobra na naman ata yung mga sinabi mo sa kanya."

"Nagsasabi lang ako nang totoo. Look at her."

"I am looking at her, right now and I am seeing a beautiful woman. Beautiful enough, para mainggit ka." Nakatingin at nakangiting sabi sa akin ni Sam. But I can't prolong my gaze to her.

Tumawa naman ng pagak si Amore. "Hindi ako makapaniwalang pati ikaw ay nabilog na rin ang ulo nang babaeng iyan. Akala niyo ba santa siya? Kanina lang kung makipagsagutan siya sa akin, ang tapang tapang niya. Dumating lang kayo, parang aping api na siya. O baka naman kasi totoo yung mga sinabi ko?"

"Wala kang alam, Amore, kaya mas mabuti pang manahimik ka na lang or else..."

"Ano? Paaalisin mo ako kagaya nung ginawa mo last time?" Tumawa na naman si Amore nung nakakabwisit niyang tawa. "Baka nakakalimutan mong hindi mo na ito party, Max."

"Wala kang karapatang tawagin akong Max. And I don't care whomever party it is. I can pull some strings of connection para lang masecure ko na hinding hindi ka makakapasok sa loob. Baka nakakalimutan mong dahil sa ginawa mong eskandalo noon, nawalan na nang tiwala ang mga tao sayo."

"E di gawin mo."

"Talaga..."

"Max." I stopped him.

"Dixie, don't worry. Ako na ang bahala sa kanya."

"No. Ako ang bahala sa kanya." I stepped palapit sa harap ni Amore. At sinampal ko siya magkabilaan.

"What the..."

"Unang-una sa lahat, I am what I am today dahil sayo, Amore. You make me like this. Nabanggit mo naman kanina di ba? I was desperate noon para gawin mo akong Finale model mo to the point na magmakaawa ako at lumuhod sayo. Pero trinato mo lang ako as disposable thing. Siniraan mo pa ako. Alam mo ba kung anong pakiramdam non? Alam mo namang ako lang ang inaasahan ng pamilya ko di ba? Pero nagawa mo pa rin akong gaguhin. Kaya wala kang dapat sisihin kung bakit ganito ako ngayon kung makalaban sayo kundi ang sarili mo. You never deserved my respect.

"Pangalawa. Wag tayong maglokohan dito, Amore. Kung meron man sa ating dalawa dito na gumagamit nang katawan para magtagumpay, hindi ako yun. It is you. Wag na wag mong ipapasa sa akin ang mga gawain mo dahil kumpara sayo, I am a hardworker. Unlike you, importante ang dangal sa akin dahil pinalaki ako nang tama nang Tatay ko. At higit sa lahat, hindi ako manggagamit katulad mo." Sa inis ko ay naitulak ko siya.

"Sinungaling! Anong tingin mo ang ginagawa mong pagpapaikot dyan kay Max at Sam?"

"Think whatever you like, Amore. Wala akong pakialam. I am so done with you magmula ng PFW. And if you really think na mas magaling ka sa akin, pwes, I am going to prove on your low level talent and face that I have something in me na alam ko naman na alam mo pero binalewala mo lang noong nagtatrabaho pa ako sayo. Wag ka lang masyadong mainsecure mamaya. Ikaw naman ang may kasalanan eh. Hindi ka kasi katulad ni Max. He knows that there's a gold behind trashes like me. Kaya pasensyahan na lang." I told her at hinigit ko na sila Max at Sam palayo sa kanya.

Aphrodite ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon