Chapter 23

137 11 0
                                    


Nagising ako kinabukasan nang may dumagan bigla sa akin. Yung bigat eh nasa may bewang ko at parang dinaganan ako nang isang buong boulder.

"Aray!"

"Gumising ka na, Dixie!"

"Gising na ako. Teka, sino ka ba? Jinky?"

"Yes, it's me!" Masigla niyang sabi. "Bumangon ka na."

"Paano kaya ako babangon kung nakadagan ka sa akin? Umalis ka na nga sa ibabaw ko."

"Okay." Tumayo naman siya.

"Grabe ka, Jinks. Ano bang kinakain mo? Bato? Ang bigat mo eh." I told her habang minamasahe yung bewang ko.

Binelatan niya lang ako. "Kanina ka pa kasi namin ginising. Tumayo ka na diyan." Tapos lumabas na siya nang kwarto ko.

Bakit ba ang aga nitong dalawang to? Alas-otso pa lang ah. Nagbanyo muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Hoy, bakit ang aga niyong mambulabog?" I asked them nang maabutan ko sila sa kusina. Busy sa pagluluto si Clooey. Si Jinky naman ay naglalagay nang plato sa mesa.

"Ganun talaga. May pag-uusapan tayong mahalaga eh." Sabi ni Jinky.

"At ano naman yon?"

"Wag kang excited. Magtimpla ka na lang ng kape natin."

"Okay."

*
"O, tapos na tayong kumain. Ano bang pag-uusapan natin?"

"Galit ka ba kay Max dahil dun sa... alam mo na kagabi." Tanong ni Jinky.

"Hindi."

"Talaga?!" Sabay nilang tanong.

"Dare lang yun di ba?"

"Eh bakit ka biglang umalis?"

"Seriously? Kailangan niyo pa bang itanong yan?"

"Oo nga naman. Parang totohanan na kasi yung halikan nilang dalawa kagabi." Sabi naman ni Clooey. Hinampas na lang siya. Wala talagang pakundangan itong babaeng ito eh.

"Bakit? Totoo naman eh. Para ngang hindi lang yun tumagal nang isang minuto. Umamin ka nga, Dixie. Si Max yung tinutukoy mo kagabi, di ba?"

"Oo nga. In love ka kay Max no?"

Nagshrug lang ako sa kanila.

"Hindi ka tumanggi."

"Hindi rin naman ako umoo."

"Kainis! Bakit ba naglilihim ka na sa amin ngayon?"

"Kaya ka ba umiwas kay Max kasi dahil doon?"

Nagshrug na naman ako sa kanila at hampas ang tinamo ko.

"Aray!"

"Umayos ka kasi nang sagot."

"Wala rin namang sense kahit pa malaman niyo. May mahal nang iba yun si Max."

"So in love ka nga sa kanya." Pagconfirm naman ni Clooey. Bigla siyang tumayo sa harap ko at kinamayan ako. "Welcome to human world, Dixie."

"Anong tingin mo sa akin, hindi tao dati?"

"Hindi. Dati kasi bato yang puso mo."

"Akalain mong si Max pala yun. Akala ko si Luke eh. Close na close kasi kayo. Well, pero na lang nung nagkiss kayo kagabi. Iba eh. Parang may laman talaga."

Napatawa naman ako nang pagak. "Yung akin lang ang may laman. Sa point of view ko lang may totohanan. Pero sa kanya? Baka nga si Sam pa rin yung iniisip niya kagabi eh."

Aphrodite ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon