Chapter 13: Public Bath Amanto Trouble!!!

51 2 0
                                    

Beatrice's POV:

"Punta tayo sa public bath. Malamig kasi ngayon tapos mahal ang mainit na tubig dito. Ano game?" sabi ko habang kumakain.

Andito kami ngayon sa ilalim ng kotatsu kumakain ng agahan. Malamig kasi ngayon eh. Di pa tapos ang winter. Brr! Mas malamig pa dito sa Japan kaysa sa Baguio. >_

"Pwede rin. Matagal na din akong di nakakapunta dun." sabi ni Gin.

"Ako nga di pa nakakapunta dun, aru." sabi ni Gura-chan.

Kung alam mo lang Gura-chan, di rin ako nakakapunta sa public bath na yan. Di kasi uso yan sa Pinas diba mga readers?

"Himala! Nilagyan na ng 'aru' ni author yung sentence mo." sabi naman ni Shinpachi.

"Ngayon lang kasi nadiskubre ni author na may 'aru' ako sa halos katapusan ng sentence ko. By the way, my bathouse malapit dito aru ka?"

"Oo meron. Palagi nga ako pumupunta dun." sabi ni Gin.

"Sige let's go!!" sigaw ko with one hand up.

"OKAY!!!"

**********************************

Andito na kami sa bathouse na sinasabi ni Gin. Tiningnan ko lang ang buong paligid. Di naman sa magara, simplae lang siya. May receptionist na parang sa hotel pero dun binabarayan ang pagliligo mo. Pay first before use dito.

"150 yen sa matanda at sa bata naman 100 yen." sabi ng matandang may-ari ata ng bathouse na to.

Ano kaya ang katumbas ng 150 yen sa peso? Mahal kaya yun?

"400 yen na lang. Lahat kami bata dito." sabi ni Gin.

Hindi ka bata Gintoki Sakata, isip-bata ka! At saka gusto mo lang makatipid!!

"Gawin mong 150 yen sa akin Gin-chan. Hindi na ako bata aru!" pagrereklamo ni Gura-chan.

"Ano ka ba Kagura! Gumagawa ako ng paraan para makatipid tayo!" bulong ni Gin kay Gura-chan pero rinig ko naman. =_=

So dalawang matanda is 300 yen, and yung dalawang bata is 200 yen. So that makes 500 yen all-in-all. Kung 400 yen makakatpid ka ng 100 yen. Mura na yan...ata. XD

"Um... may discount po yan?" tanong ko sa matanda.

"Since 500 yen lahat-lahat, gawin na lang natin na 450."

"Ahm...pwede po na 400?"

"Pasensya ka na iha. 450 lang ang pinakadiscount nito."

Wala na ata kaming magagawa kundi bayaran na lang namin ang 450.

"Huy Gin, tig 225 tayong dalawa. Mag ambag ka naman ng pera kahit ngayon lang. " at nilabas ko yung pitaka ko at tamang-tama 225 yung dala ko.

"Wag na libre ko na to. Pasalamat ka nanalo ako sa sugal kanina."

Kinuha niya sa bulsa niya yung pera at binigay niya sa tindera. Saktong 500 ang nilabas niya.

"Keep the change po. Lika na Shinpachi. Kayo naman na dalawa, doon kayo sa kabilang pintuan." turo ni Gin at saka pumasok na sila sa pintuan nina Shin-chan. Kami naman ni Gura-chan pumasok sa kabilang pintuan.

Grabe! Kakasabi lang ni Gin na nagtitipid siya tapos nanlibre siya. Ang mas shocking pa dun, may keep the change pa siyang nalalaman! Ano kaya nakain ng lalaking yun? O well, magasta man talaga si Gin kaya di na dapat ako magulat.

"Wow! Ang ganda! At tsaka tamang-tama lang init ng tubig dito aru!" sabi ni Gura-chan habang nilalagay niya yung kamay niya sa tubig at tsaka naligo na siya.

The Girl in the Gintama World (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon