Chapter 7: Gintoki has Amnesia

54 4 0
                                    

Betrice's POV:
Andito kami ngayon ni Shinpachi sa palengke. Actually, tapos na kami mamalengke. hinihintay na lang namin sina Gin at Gura-chan na ihatid kami.

"Ate, andyan na sina Gin-sa." sabi ni Shin-chan.

Tama siya. Padito na sila. Naka-scooter si Gin. Kasama niya si Gura-chan na nakasakay kay Sadaharo.

Medyo mabilis magpaharurot si Gin. Nagulat siya nang may tumawid na pusa. Agad na lumiko siya pero nawalan siya ng kontrol kaya nakabangga siya sa isang poste.

"GIIIIIIIIIIIIIIIIIN!!!!!!!!" sabay takbo namin ni Shin-chan.

Kagura's POV:

Hay salamat nagka-POV na rin akoo!! Thank you author!! ^^

Ako pala si Kagura. Gaya na sinabi ni Gin-chan nung chapter 4, isa akong alien. Ang pinakamalakas na lahi ng Amanto, ang yato clan. Nasa instinct na namin ang pakikipaglaban pero gusto ko na magbago.

Tama na ang introduction, na aksidente si Gin-chan. Pano kasi, Ang bilis niya magmaneho kaya yan tuloy.

Andito kami sa ospital. Hinihintay na magising siya.

"Dok, magiging okay lang ba siya?" tanong ni ate Yuri. Nag-aalala talaga siya.

"Chineck namin yung x-ray niya. It seems na okay lang siya pero may possibility na may amnesia siya dahil sabi niyo kanina nauntog siya sa isang poste."

"Is it permement?" tanong ni Shinpachi. Teka, anong amnesia?

"Anong amnesia?"

"Ito yung epekto kapag nauntog na malakas yung ulo mo. Nakakalimutan mo yung lahat kahit na ang pangalan mo. It can be temporary or permament. Pwede siyang untugin ulit para maalala niya ulit ang lahat pero it depends. Sometimes pag ginawa mo yan lalong di niya maalala ang lahat." sabi ng doktor.

"According din sa x-ray, malaki ang chance niya na magkaka-permament amnesia siya.

"Ano?! Di yan pwede!! Di yan totoo!" sigaw ni Shinpachi sa doktor.

"Well let's see pag gumising na siya."

Seryoso ang mukha ni ate na parang sinasabi na magkaka-amnesia si Gin-chan. Buti nga magka-amnesia siya para magbagong-buhay na siya.

"Gising na siya!" sabi ko.

"Ano ba Gintoki! Di mo kailangan paharurutin yung scooter mo!! Di naman tayo nagmamadali ah?! Tingnan mo tuloy naaksidente ka!!!"

"Hoy wag ma akong sigawan!! Di naman kita kaano-ano ah!! Sino ka naman, ha?!"

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Gin-chan well except kay ate. She expected na mawawalan si Gin-chan ng alaala.

"Sabi ko na. Gintoki has amnesia." sabi ni ate Yuri at nag-sigh siya.

"Ang tanging magagawa natin ngayon ay........."

"Ipaalala natin kay Gin-chan ang lahat?"

"Oo Gura-chan. Ipaalala natin kay Gin ang lahat."

***********************************

Pumayag na daw ang doktor na ilabas na si Gin-chan sa ospital. Hinihila na namin siya kasi ang kulit niya ayaw niyang sumama sa amin. >.<

"Hoy kaong tatlo bitawan niyo nga ako!! Sabi ngang di ako sasama sa inyo eh!! Di ko pa kayo nakikilala!!"

"Edi magpapakilala kami! Ako si Kagura. Siya si Shinpachi at siya naman si ate Yuri. Oh, masaya ka na?"

Kumunot ang noo niya at saka siya nagsalita. "Kapatid mo yan? Di halata."

The Girl in the Gintama World (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon