Chapter 15: False Hope

20 1 0
                                    

Beatrice's POV:

Habang binabasa ko yung sulat napapakunot yung noo ko.

Hindi ko to nagugustuhan. Pero sigurado akong matutuwa si Gin pag nalaman niya ito.

Bumalik ako sa kainan at binigay ko sa kanya yung sulat.

"Oh ano to?"

"Basahin mo na lang."

Kinuha niya to saka niya binasa.

One, two, three....

"YES!!! PUPUNTA SIYA DITO!!! PUPUNTA SIYA DITO. WOHOO!!"

Sinabi niya yan habang niyuyugyog niya ako.

"Sandali nalilito ako Gin."

"Ay sensia na. Sige magpapagwapo na muna ako. Linisin niyo to ah? May bonus kayo kapag malinis yung buong bahay."

Kumaripas siya ng takbo papuntang kwarto.

"Sinong pupunta dito?" Nakakunot-noong sabi ni Shin-chan.

"Si Ana Ketsuno."

"Bakit aru?" Sulpot ni Gura.

"Iinterviewhin niya tayo eh."

"Kaya pala parang nanalo siya sa lotto." - Shin-chan

"Hayaan mo na siya ate Yuri. Mas maganda ka pa kaysa sa kanya aru." - Gura-chan.

"At saka balang araw mamahalin ka rin ni Gin-san." - Shin-chan.

"Hay naku Shin-chan. Wag mo akong paasahin. Rejected na nga ako eh."

"Panu mo nasabi. Nag confess ka ba sa kanya?"

"Yung kanina nagtanong ako sa kanya. Para na din akong nag confess. Pero ano sabi niya? 'Kay Ana Ketsuno na nakalaan ang puso ko.'" ._.

Napatahimik si Shin-chan.

"See? Sabi ko sayo wala na akong pag-asa sa kanya. O siya, maglinis na lang tayo baka magalit pa satin si Bossing." :/

Tumayo na sila sa at pinulot ko yung mga kinainan namin. Sinuot ni Shin-chan yung apron at hairnet niya at nagsimulang magwalis, si Gura-chan ay nagtulong sakin sa paghuhugas ko.

Natapos din yung paglilinis namin pero di pa lumalabas si Gin kaya pinuntahan ko siya sa kwarto.

"Gin tapos na kami....bat ganyan buhok mo?"

Pano ba naman kasi. Kulot na nga ang buhok lalo niya lang kinukulot. Pfft! Hahaha nakakatawang siyang tingnan.

"Eh pano kasi sinistraight ko buhok ko. Baka di niya magustuhan." Sabay niya pout.

So cute haha!

"Haha alam mo wag mong baguhin ang sarili mo para sa kanya. Kasi pag mahal mo ang isang tao tanggap mo kung sino pa siya. Lalo na itsura niya."

"Whoo! Galing ng hugot mo ah? San mo nakuha yan?"

"Wala naisip ko nga. Maupo ka nga dyan at ayusin ko buhok mo."

Umupo na siya sa harap ng salamin. Kinuha ko yung suklay ko saka inayos ko buhok niya.

"Oh yan ayos na."

Tiningnan niya yung sarili niya sa salamin. Parang di siya kuntento sa itsura niya.

"Alam mo gwapo ka na. Kaya wag mong pagdudahan ang sarili mo. Magugustuham ka ni Ana Ketsuno." I said as I fake a smile at him.

Kung alam mo lang. Gwapo ka na sa paningin ko. :(

Napangiti siya sa narinig niya saka tumayo sa kinauupuan niya. He thanked me sa pag ayos ng buhok niya saka siya lumabas. Sumunod din ako sa kanya.

The Girl in the Gintama World (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon