Chapter 12

156 10 24
                                    


Nagising ako ng makarinig ng malakas na ugong mula sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako ng makarinig ng malakas na ugong mula sa labas. I never heard that sound at the Malinao Island but I knew to myself what it was. Paglingon ko sa aking gilid, wala na si Nanay Gal. Tumayo agad ako, mabilis na hinanap ang tsinelas para makalabas.

Naabutan ko si Third sa dulong bahagi kausap ang dalawang matanda.

His eyes immediately found me. May sinabi siya bago iniwan ang dalawa para makalapit sa akin.

"For refill ang fuel kaya narito tayo. We'll stay for one day then we will continue to sail going to Casa Blanca," bungad niya sa akin.

Tumagos sa kanya ang atensyon ko. Hindi ako puwedeng magkamali. Ang toreng nakikita ko sa likod ay ang mismong kompanya ng pamilya nila. At ang mga barko sa gilid at nagkalat na mga yate na may letrang O gaya ng yacht na ito ay pag-aari nila. Nasa Kansas kami?

"Narito ba si Bethanie?"

Nagtangis ang kanyang bagang. "Hindi ko alam."

"Natatandaan ko ang daan patungo sa mansyon ng mga Arrigue. Pumunta tayo roon, baka naghihintay sa akin si Bethanie."

Something in his eyes was telling me he doesn't want to do it. "We can do that after meeting your doctor," he said as if I can't say no about it.

Tumango ako para matapos na.

Sumulpot si Nanay at tatay sa gilid ko. Parehas mga nag-aalala ang mga tingin sa akin.

"Kumain na muna tayo, hija."

Lumapit ako kay Nanay Gal at hinawakan siya sa braso. "Sige po."

Nasa roof deck kami. Pag-akyat namin doon ay may nakahanda ng mga pagkain. Parang pista sa dami noon. May table setting pa at ngayon ko lang napansin na iba ang dining set na ito sa kusina sa baba.

"Dito ba tumira si Dahlia, Cameron?"

Natigilan ako sa paghiwa ng laman ng manok para tingnan si Third. Naghihintay ng sagot para sa tanong ni Tatay Rufino.

"Opo."

Tumingin sa akin ang dalawang matanda. Nakangiti si Tatay Rufino, malayo sa malungkot at para bang naluluhang si Nanay Galilea.

"Hindi ko po matandaan kung may sapat ba akong pera para igala kayo rito, pero titingnan ko po. Ipapasyal ko kayo kung saan ang school ko. Kung saan ako nanirahan. Ano ang mga pinagkaabalahan ko noong grade school ako."

"Nakapag-aral ka ngang talaga. Natutuwa akong matalino kang bata, Dahlia."

Ngumiti ako kay Nanay Gal. "Bulakbol po akong estudyante noon, pero mabait po ako at sumusunod sa pinapagawa ng teacher."

"Kamo may kapatid ka. Siguro ay kasing ganda mong nilalang ang binata na iyon."

"Identical twin po kami, tay. Paikliin niyo lang po ang buhok ko, kamukha ko si Daryl."

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon