Chapter 19

204 11 55
                                    


"Saan ka pupunta Dahlia?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Saan ka pupunta Dahlia?"

Umikot ako at hinarap si Third na kapwa nakatingin sa akin. Dumikit sa akin si Chad bago inakbayan. Sa gulat ko sa ginawa niya ay napatalon ako.

"Guys, meet Dahlia. Dahlia, si Third at Second. Sa likod, ang magkapatid na Johnny at Johannes Zuelda. Ang nakangising iyan ay si Shawn. Ang katabi niyang seryoso ay si Malik at Zedrick. Nakilala mo na si Pete at Traviz. Mga kaibigan ko silang mahilig mangarera."

My heart sank into the deep ocean when I felt the warning at Malik and Pete's eyes. I don't know why.

Dumating si Paulite. Nang makita niya ang set-up ng lahat at si Chad na nakaakbay sa akin ay bigla itong tumawa. "Did I miss something here?" Tumingin ito kay Third. "I thought you and— Damn, Chad. You are barking in the wrong tree!"

Tumawa si Shawn na sinundan ng mga nakakakilala sa akin na sila Johannes at Johnny.

Chad looked confused. "Pinagsasabi mo, Bruh?"

Malagkit na ang pawis sa batok ko. Hindi ko magawang kumurap habang nakikipagtagisan ng tingin kay Third. His lips were pressed into thin line. Masama ang titig sa braso na nakasampay sa balikat ko.

"I'm hungry. Are you going to treat us, Pete? A club perhaps," he coldly said before he tore his sight from me.

Walang tumawa sa sinabing iyon ni Third. Si Pete lang yata ang ngumiti habang naiiling.

"I know a place near here," Shawn suggested.

Lahat ay nagsunuran na sa paalis na magkapatid na Oswold. Naiiwan ang titig sa akin nila Johnny, Johannes, Malik, at Paulite. Lumapit naman sa akin si Leila, Dessa at Calum.

"Gutom ka na?" tanong ni Dessa.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kanina kumakalam ang sikmura ko, ngayon ay namanhid yata ako. Walang maramdaman kung hindi ay matinding kaba.

"Should we sit with them, Dess? Nahihiya ako," si Leila na maligalig.

"Syempre, hindi. Pero pipili tayo ng mesa na malapit sa kanila para makasali sa atin si Traviz." Hawak ni Dessa ang braso ko habang sumusunod sa grupo nila Third.

Nang makarating sa ekslusibong club, agaw pansinin agad ang grupo nila. Lahat yata ng makasalubong nila ay binabati o ginagalang sila. Lalaki o babae. Nagtatagal pa sila dahil iilan ang talagang kinakausap o nakikipagpalitan ng ilang pag-uusap. Nakamanman lang ang atensyon ko kay Third. Two matured ladies approached them. Unlike the ladies who greeted them, these two were way elegant and respectable. Ang isa pa nga ay hinalikan ng kuya ni Third ang likod ng palad.

"That's Bianca Dela Vega and Priscilla Amorsolo. Grabe! Two Power Beauties are here!" Leila murmured as we headed on our table.

Dumiretso ang grupo nila Third sa second floor. Doon dapat kami didiretso pero ang nakuhang mesa nila ay okupado na ng naunang grupo ng kalalakihan din. Dumating ang order ni Chad na pagkain para sa akin. Si Leila at Calum ay nagsisimula ng uminom ng cocktail. Dessa on the other hand was busy gawking into someone. Wala sa amin ang atensyon.

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon