IKALABING-TATLO NA SIKRETULA

38 1 0
                                    

• Imagery

Imagery is the description of actual experience using sensory appeal: sight, smell, taste, touch or sound.

Dito, binibigyang buhay mo ang mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng sensory appeals na nag-tri-trigger sa mambabasa na maipinta sa isipan nila ang nais mong ipahayag sa iyong tula.

Halimbawa:

Imbes na sabihin nating, "Nasilayan ko ang maganda mong mukha," we can say "Ang kabuoang hulma ng iyong pagmumukha, ang iyong bilugang mga mata na kumikislap sa ilalim ng maliwanag na buwan..."

Hindi lang natin basta-basta sinabing maganda ang mukha niya pero dahil sa sensory appeal na sight, mas na-dedescribe natin kung gaano kaganda ang mukha niya.

• Tone

Tone is the overall mood or feeling or attitude regarding the theme.

Dito naman natin malalaman kung gaano kabigat o kagaan ang mood ng isang tula o ng tula na isinulat mo.

Halimbawa:

Naisipan mong sumulat ng tula para sa crush mong hindi ka nagustuhan pagkatapos mong mag-confess sa kaniya. So, ano ba dapat ang maging mood ng tulang isususlat mo?

Maaring malungkot kasi nga hindi ka rin nagustuhan ng crush mo. Hindi niya kayang suklian ang nararamdaman mo para sa kaniya. Ano man ang rason kung bakit hindi ka niya gusto, siyempre nakakalungkot 'yon. 'Di ba nga gusto rin nating ma-crushback?

Maari ring masaya or natutuwa ka. Kung may pagka-moody ka naman o positive thinker, or pwede ring may amats ka, maaari mong isulat ang iyong tula na masaya. Sabihin nating, masaya ka kasi kahit papaano na-overcome mo ang challenges sa pag-confess sa crush mo kahit na hindi ka niya gusto. Pwede ring masaya ka kasi naging totoo ang crush mo sa 'yo kahit di ka niya gusto. Whatever the reasons why, as long as alam mo kung paano i-distinguish ang mood ng tula mo.

• Diction

Diction refers to the choice of words and style of expression.

Tumutukoy ito sa paraan ng pagpili ng mga salitang isinaayos at ang paraan ng pagpapahayag nito.

Parang grammar and vocabulary check 'to, technically. Pero if we refer this to your way of writing a poem, dito masusukat kung gaano kalapad ang range ng isip mo at kung paano mo pinaglalaruan ang mga salitang ginagamit mo sa pagbuo ng tula. Dito rin makikita kung gaano ka-deep or kababaw ang style ng expression mo.

• Theme

Theme is the lesson or statement about life, human nature or a subject of the poem.

Ito ay tumutukoy naman sa aral na nakuha mula sa tula.

Hindi pwedeng wala kang aral na makukuha sa isang tula. Unless na lang kung nonsense ang isinulat mong tula. The lessons you learn in a poem might be about life and how it works, love and friendship, family, school, spiritual, and marami pang pwedeng makukuhang aral. Tayong mga makata, madalas nating idinadaan sa pagsusulat ang nais nating ipahayag na nararamdaman at mayroon tayong iba't ibang karanasan kaya naman maaring ito ang makukuhang aral mula sa ating piyesa.

• Persona

Persona refers to the speaker in the poem whose perspective is expressed.

Tumutukoy ang persona sa kung sino ang nagsasalita sa tula, ito ba ay ang isang babaeng nasawi sa pag-ibig o isang batang tinatamad sa pag-aaral. Ito ay nakadepende sa iyo, makata. Ikaw na nagsusulat ng tula ay dapat alam mo kung paano tutukuyin ang persona ng iyong isinulat na tula.

  Halimbawa:

         Gabi na't kay dilim ng paligid
         Ang aking mga balahibo ay nagtatayuan
         Malamig ang simoy ng hangin
         At ang tanging liwanag ay ang bilugan na buwan.

         Gabi na nga't ako'y nag-iisa
         Nakatalukbong sa kumot sapagakat wala pa sila
         Nakakakilabot sa pakiramdam
         Nawa'y ako ay kanilang lubayan.

Ang tula sa itaas ay tungkol sa isang tao na nag-iisa lamang sa kaniyang silid at may nararamdamang katatakutan. Ang persona ng tulang 'yan ay ang tao na natatakot sa kababalaghan.

Inyo bang naintindihan ang ating talakayin sa pagkakataong ito? Sa ngayon, ay dadako naman tayo sa susunod na "S" ng mga elemento ng tula.

— admin t!n シ︎

SIKRETULA: Gabay na aklat para sa mga makataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon