IKAAPAT NA SIKRETULA

278 6 1
                                    

IKAAPAT NA SIKRETULA

Maging pintor ng mga salita. Para mas dama ng mga mambabasa, gawin mong mabulaklak ang bawat taludtod. Ang tula ay hindi lamang basta tula, ang tula ay may storya at may iniiwang impact sa mambabasa.

+ Payo: Sa pagsusulat ng tula, laging gamitin o pairalin ang five senses. Sa paggamit noon ay mas magiging maganda ang tula, makulay at puno ng mabulaklak na mga salita.

Hal.

Ginamit na sense: Mata o sight

Kay sarap pagmasdan ang tila mga bolang bituin,
Kasabay ng liwanag ng buwan na siyang nagbibigay hiwaga sa akin,
At heto ako ngayon, mag-isa at iniwan niyang luhaan,
Umiiyak sa kawalan habang nakahiga sa damuhan.

+ Ano napapansin mo? So yun nga, ginamit ko yung sight, base dun sa tula, pinagmamasdan niya yung mga bolang bituin at ang liwanag ng buwan. Tapos nilagyan niya ng kakaibang timpla at naging konektado sa pag-ibig.

+ Ganoon lamang, maging malikhain tayo sa pagsusulat dahil napakaraming pwedeng gamitin upang mas maging mahiwaga ang tula.

+ Magbibigay pa ako ng halimbawa, gagamitin ko naman ang sense of touch:

Nais ko muling mahagkan ang paghaplos mo sa aking kamay
Ang presensiya mong nagbibigay sa akin ng buhay,
Ngunit bakit ganito? Ang bilis mong bumitaw?
Napakasakit lang isipin na hindi na pala ikaw.

+ So ayun, mas magiging mabulaklak ang tula kung gagamitan natin ng limang senses. Mas may buhay kumbaga. Mas maipapahayag natin nang maganda kapag gumamit tayo ng ganito.

Kaya ano pang hinihintay mo? Subukan mo na! At kapag sinubukan mo na ay pwede ka ng dumako sa IKALIMANG SIKRETULA!

- Admin #aven.

SIKRETULA: Gabay na aklat para sa mga makataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon