PART 39

67 3 0
                                    

Xia POV

Natapos ang sayaw at nandito ako sa sasakyan ko nakasandal sa upuan habang tulalang nakatingin sa kabuan ng mansion na ito

Mas mabuti nang dito ako kaysa naman sa loob ako na makita lang silang naglalandian, ako lang nasasaktan habang sila nag eenjoy

Napatingin ako sa kabilang pintuan ng driver seat ng bumukas ito and then kita ko si Cyrus na pumasok

Binaling ko ulit ang tingin sa labas sabay sandal sa windshield ng sasakyan, habang siya na umupo at malagkit na tumitig sakin

"Kain tayo" aniya kaya napatingin ako sa kanya pinakita niya sakin ang tablet at bumungad sakin ang picture ng mamahaling kainan kaya tumango ako

Nag simula siyang mag maneho habang ako na tahimik lang, di ko maiwasang mapangiti

"Nasaktan pero naka ngiti" saad ni Cyrus na may tono ng pang aasar kaya napairap na lamang ako sabay tingin sa harapan

I was about to wander and then Cyrus came. He saved me again.

Di ko alam pero nung mga oras na yun na sobrang sakit ang naramdaman ko ay parang biglang mawala ng maramdaman ang yakap niya kanina pero bumalik lang din agad

"Kapag ba nasaktan bawal na ngumiti?" Tanong ko pero tumawa lang siya ng bahagya sabay sulyap sakin

"Papatayin ko na ba siya?" Seryosong saad niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Masyado ng mabigat ang lahat Phoenicia. Dumagdag pa siya" aniya kaya di na lamang ako umimik

Tumingin ulit ako sa gilid at isang buntong hininga ang binitawan

Kung ganito ka sakit ang naramdaman ko na makita si Lews at Eunice na naghahalikan at malaman na ikakasal na. Siguro ganito din ang nararamdaman ni Cyrus tuwing pinagtatabuyan ko siya.

"Drive ka ng maayos, gutom na ako" sambit ko sa kanya ng mahina lang ang takbo ng sasakyan

"Nag eemote ka diyan kaya tama lang to" aniya na may mapang asar pa na boses kaya sinamaan ko siya ng tingin at akmang sasapakin ng pinabilis niya agad ang pagmamaneho

"Ito na" natatawa pa niyang saad kaya napairap na lamang ako

Kala siguro nito nakalimutan ko ang ginawa niya kaninan pag talikod sakin.

Napakuyom ang kamao ko ng malala ulit ang halikan nilang dalawa like shit!

Pero di ko magawang magalit sa  kanila, hindi ko alam pero tanging sakit lang nararamdaman ko pero galit wala

Huminto ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya na lumabas ng sasakyan at pumunta sa pintuan ko at binuksan ito

"Andito na tayo" saad niya sabay turo sa isang restaurant na sa labas palang halatang mayaman lang ang makakapasok

Napatingin ako sa mga paa koo na walang Suot na heels, bahagya pa akong natigil ng kinuha niya ang heels sa loob ng sasakyan at sinuot sakin ng walang pasabi

Napatitig na lamang ako sa kanya habang ginagawa yun

"Di proket broken ka di kana mag suot ng sapin sa paa" saad niya sabay harap sakin

EXTRAVAGANT [FUTURE AND PRESENT]Where stories live. Discover now