PART 43

102 4 4
                                    

Xia PoV

Kanina pa ako tawa ng tawa dahil sa tuwing tinatanggal ni Cyrus ang kamay sa pagkakahawak sa tainga niya ay binabangit ko ang pangalan niya

Di ko mapigilang isipin yung libreng kainan na yun na palihim niyang sinusustentuhan ng pera at kagamitan

"Tama na! Ayaw ko na" aniya kaya mas lalo akong napatawa pero siya nanatiling nakatitig sakin

If you're not the one then why does my soul feel glad today?

Napatigil ako sa pag tawa ng isang nakakahumaling na boses ang narinig ko sa kanya

Is he singing? Yeah definitely.

Deritso ang tingin niya sakin habang kinakanta ang linyang yun na tila nag patigil ng oras ko

Tumingin siya sa mga kamay ko at marahan itong hinawakan at pinagsiklop

Ngumiti siya at tumingin ulit sakin.

If you're not the one then why does my hand fit yours this way?

Napatigil ako ng ma realize ang pinupunto ng linyang kinakanta niya ngayon

Tama ba na tumatalon sa saya ang puso ko ngayon?

Pipiliin ko ba ang kasinungaling ito at talikuran ang panandaliang katotohanan na meron pang namamagitan samin ni Lewis?

If you are not mine then why does your heart return my call?

Lumalalim na ba talaga ang pagtingin mo sakin cyrus?

Bawat linyang sinsambit niya ay tila tumatagos sa dibdib ko, nanatili siyang nakahawak sa kamay ko

Wala naman akong balak sirain ang pang haharana niya sakin ngayon

Mali ba na sa gitna ng mabigat na pasananing dala ko maging masaya naman ako kahit panandalian lang?

If you are not mine would I have the strength to stand at all?

Napatingin siya sa kawalan habang bahagyang pinisil ang kamay ko na damang dama ang mainit niyang palad

Di ko mapigilang mapatitig sa mga kamay namin na magkasiklop

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at bumitaw sa pagkakahawak sakin

Sandali!!! Parang masakit yung pagbitaw mo sa kamay ko!

Napatingin ako ng hinubad niya ang jacket niya at pinatong sa magkabila kong abaga

"Walang tulugan ah" aniya kaya napaismid ko na may kasamang tawa

Loko ba siya?

Pero sabagay parang di ako nakaramdam ng antok, parang gusto ko pa siyang makatabi

I'd spend ten thousand hours and ten thousand more

Napataas ang kilay kong tumingin sa kanya ng magsimula na naman siyang kumanta pero isang ngiti lang ang ipinukol niya habang binabangit ang linyang yun.

Ginugulo mo lalo ang damdamin ko pero sa isa lang ako sigurado.

Masaya ako.

EXTRAVAGANT [FUTURE AND PRESENT]Where stories live. Discover now