PART 4

132 6 1
                                    

Xia POV

Palabas na ako ng bahay ng nakarinig ako ng mga tunog ng flying motor at huminto ito sa harap ng bahay namin

"pheonicia, pumasok ka"usal ni fredo

Di ako nakinig at tuluyang lumabas, aagd namang lumabas din si fredo kasama ang limang lalaki

"Aba di mo sinabi na may maganda ka palang dalaga fredo"usal ng lalaki sabay baba ng flying motor niya tas tanggal ng helmet niya

May flying motor ibig sabihin mayaman

Napatingin kami sa daan ng may dumating din na nakasakay rin nang flying motor ang iba ay nakasakay sa flying car

Kailangan  ng mga to?

"Phoenicia pumasok ka"ulit ni Fredo bahagya akong hinila ng isang lalaki kaya napa atras ako

Umabante ang apat na lalaki kasama si Fredo tas sa gilid ko naman si jim

"Maniningil ng utang si Devo"usal ng lalaki tas tumingin sakin

Bahagya namang napasama ang awra ko

bakit ba sa tuwing may tumitingin sakin na kakikilala ko lang ay pagnanasaan agad ako?

"Tapos na ang bayaran, nakaraang buwan pa"usal ni fredo

Umismid naman ang lalaki tas pinagcross ang dalawang kamay, naaptingin ako sa ibang kalalakihan na kadarating lang

"Time zoom it"mahinang usal ko sa relo

Until now connected parin siya sa eyeglass ko

Tumingin ako sa tablet na dala dala ng isang lalaki, dahil naka zoom ang paningin ng eye glass ko kitang kita ko ang ang nasa tablet

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko

Hindi ako maaring magkamali si Jack at Davis yun!

Murder by Nathan Hernandez??

"Magbabayad o Hindi?"tanong ng lalaki

Hindi magagawa ni Nathan yun

Talagang marami na akong hindi alam sa nangyayari sa kanila, nakakinis ang signal na to

Napakuyom ang kamao ko, lalo pa't wala akong magawa para alamin kong totoo ba ang nakita kong yun

"Sinabi ko na, tapos na ang bayaran"ma autoridad na sambit ni Fredo

Sumama ang awra ng lalaki tas nagulat na lamang ako ng biglang tumilapon si Fredo

"Talagang matigas ka"sambit ng lalaki

Mukang wrong timing ang isang to wala pa naman nako sa mood baka sumakabilang buhay agad to

"Tumigil ka"malamig na usal ko

Napatingin naman ito sakin tas ngumisi ng nakakaloko tas tumingin sa kabuan ko

"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung titig na may pag nanasa"usal ko at agad na ginamit ang repelling para itulak siya papunta sakin

Bahagya naman siyang nagulat sa ginawa ko

Agad kong binungad sa kanya ang siko ko tas agad siyang sinuntok sa sikmura

"Hindi ka naman siguro bingi diba"saad ko tas siniko yung likuran niya
Napabagsak siya sa lupa dahil dun

Agad namang kumilos ang mga kasamahan nito at umatake sakin, ginamit ko ang repelling para mapatalon ako sa taas

Bumagsak ako sa lupa kasabay nun ang pagdampi ng paa ko sa ulo ng kalaban

"It's been a long time to have a fight like this"usal ko

EXTRAVAGANT [FUTURE AND PRESENT]Where stories live. Discover now