5th Incident: Opening 冒頭

31.1K 1.4K 290
                                    

Note: Special ang araw na ito para sa akin kaya maaga akong nag update! Grabe, natutuwa ako sa mga speculations ninyo sa 23:57! Hahaha! Nagsimula lang lahat sa overflowing ideas sa Shibuya Station ang kwento na ito at hindi pa rin ako mapakaniwala na nasa chapter 5 na tayo. In this chapter, I toned down the scary scenes to give way to something that has substance. I have one goal in this chapter, to give you hints! Salamat po sa mga sumusuporta!  And now, let’s proceed to chapter 5…



“What the hell is this?! This is not a funny prank!”galit na galit kong sabi at nahampas ko ang mesa ng meeting room.

Pero a totoo lang, may parte sa akin na gusto kong sumagot sila ng “Oo, prank lang ito.”

Dahil hanggang ngayon, iniisip ko na sana hindi na lang totoo ang 23:57.  Gusto kong bumalik sa panahong hindi ako naniniwala sa urban legends. Pero wala na akong time para sa regrets ngayon. Biglang sumakit ang ulo ko. Parang tinutusok ng karayom. Naghalo-halo na ang pagod ko at stress. Pero, dahil ayokong magmukhang mahina sa harap nila Shibata-san at Tetsu-san, hindi ko ito pinahalata sa kanila.

“Lower your voice. Do you think we can pull off a prank like this?” sagot ni Tetsu-san sa akin. Galit na rin siya pero nagpipigil siya dahil sa labas ng meeting room ay busy ang mga editors at staff ng Peculiar office.

Wala nga talaga silang kinalaman sa photo na may mukha ni Ayako sa 23:57 digital clock ng train station. Naniniwala akong professional photo manipulator lang ang makakagawa ng ganito. Pero dahil direct na nanggaling sa email ko ang photo na pinakita nila sa akin, sigurado akong isa na itong senyales na ang 23:57 urban legend ay naguumpisa na sa amin pero ibang-iba sa nakasulat na blog na kumakalat sa internet.

“We are confused too. We thought you’ve sent an edited photo to us.” Panimula ni Shibata-san.

“Until we saw your reaction. This means this 23:45 urban legend is real.” Dagdag ni Tetsu-san.

“Of course, I can’t do something like this. How can I send something like this to my submissions? Besides, I can’t just photo manipulate something like this with my girlfriend in the picture!” depensa ko sa kanila. At napaisip ulit ako, “Right! I must call Ayako! She might be in danger!”

“Wait! We are not sure if that’s Ayako in the photo.” Mahinang sagot ni Shibata-san na pinigilan ang kamay ko sa pag dial sa phone. At tumingin siya kay Tetsu-san. “We actually had a video conversation with Ayako a minute before you went here and she’s busy in her part time-job in the salon. So, we first thought that you did a prank. She actually had no idea of this photo.”

“With this scenario, that woman in the photo could be someone or something else.” Paliwanag ni Tetsu-san sa akin. “You don’t want Ayako-san to freak out in her work, don’t you?”

Napatigil ako at inilapag ko ang cellphone ko sa mesa.

“Then, what should we do?” hamon ko sa kanila pero maski ako wala akong idea kung paano ko ia-absorb ang lahat ng mga nangyayaring ito.

“We still don’t know. Though, we did a basic research.” Dagdag ni Tetsu-san na tumingin rin ay Shibata-san. Na agad na tumango rin si Shibata-san.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon