34th Incident: Real 実在

19.1K 756 213
                                    

Note:The Image above is the illustration of  The Thirteen Cursed Ones before the revelation of Shibata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Note:
The Image above is the illustration of  The Thirteen Cursed Ones before the revelation of ShibataSo after revealing who the real survivor, let's find out the details about real survivor! This going to be very exciting. Also, this is a long update equivalent to two chapters long. Hehe! Hope you enjoy! Like my Facebook Page: Raykosen. See you there!

And now, let's proceed to chapter 34...


"Yuya... Ikaw ang survivor ng 23:57 incident..."

Nagulat ako sa sinabing ito ni mama. Kung ako nga ang only survivor ng 23:57 suicide five years ago, ibig bang sabihin, did I really tried to commit suicide years ago? I mean, did I commit suicide then?

Paano? Wala naman akong maalala! It's impossible.

Pero mas nagulat at kinabahan ako nang tuluyan nang mawalan na ng hininga si mama. Nanginig akong tumawag sa mobile phone ko pero low batt na ako. Naluluha akong napatingin sa kasama ko. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Nilapitan naman ako ni Rio para pakalmahin ako. Lalapit naman si Ayako pero pinigilan siya ni Risa. Siabing hindi advisable na ma stress din siya. At si Mamiya-san naman ay tumawag na rin sa phone pero parang hindi siya successful sa pagtawag dahil walang sumasagot sa kabilang linya. Pinulsuhan na si mama ni Rio at kitang kita sa mukha niya ang gusto niyang sabihin tungkol sa sitwasyon ni mama. Nagyakapan naman sina Ayako, Risa at Mamiya-san.

Kumpirmadong patay na si mama.

Hindi pwede! Ayokong maniwala. Ano ba naman 'to? Iniisa isa na nga talaga kami ng sumpang ito.

Agad kong kinarga si mama at tumakbo. Umiiyak akong dala dala siya kahit na nangangalay na rin ang mga braso ko. Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang naitakbo ko hanggang sa naramdaman ko na ang sakit ng binti ko. Bumigay na ito at napaupo ako. Napansin kong nagdudugo na ang isa kong paa dahil naiwan ko nap ala ang isa kong sapatos.

Pero walang katumbas na sakit ang naramdaman ko nang makita ko na lang ang mukha ng nanay ko. Wala na nga siyang buhay. Kawawa naman ang nanay ko. Hanggang sa napaiyak na lang ako.

Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Naririnig ko na lang ang takbo at boses ng mga kasama kong sina Risa, at Rio sa likuran ko. Habang sa harapan ko naman ay nakita ko ang papalapit na police na nagpapatrol pag gabi. Naka bisikleta itong papalapit sa akin. Hanggang sa nawalan na ako ng energy at kasunod nito ay nahimatay ako. Parang nag shut down na lang ako. Sa tindi ng stress, fatigue, at horrible situations na dinanas ko ngayon, natural na lang siguro ang mahimatay ako.

Kumirot ang ulo ko pero hindi na ako makagalaw sa sobrang kapaguran. Naramdaman ko lang na parang nabagok ang ulo ko sa sahig. At nawalan na ako ng malay...

Itim na lang ang paligid. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay nakakulong lang ako sa madilim na lugar na ito.

Nang dumilat ako ay nasilaw ako sa ilaw at ingay ng mga tao. Nagulat na lang ako sa biglang pagkadilat ko ay nasa Shibuya station na ako. Nagtaka ako sa mga nangyayari dahil busy ang mga tao sa paligid ko. Kanina lang ay nasa Ebisu ako pero ngayon ay nasa Shibuya Station na ako.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon