6th Incident: Unexpected 俄

31.3K 1.4K 482
                                    


Note: My apologies for the late update! A lot of changes in my life and unexpected things have happened recently. Kaya ngayong may oras pa ako, gusto kong itodo ang pagsusulat ng kwentong ito. Sa totoo lang may isa pa akong kwentong naisulat couple of days ago. Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala sa support na nakukuha ko mula sa inyo. Salamat sa constructive criticisms. Sa mga hindi nakaka-appreciate, salamat pa rin sa oras na nilaan niyo sa pagbabasa. I will continue to write dahil sa mga readers at dahil gusto ko itong ginagawa ko. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit tatlo lang ang readers ko, basta may nagbabasa ng gawa ko, magsusulat at magsusulat ako hangga’t kaya ng oras ko. When I am in an unbearable pain, I write. Kasi bukod sa pagdo-drawing, therapeutic sa akin ang pagsusulat.  Kaya sa mga hindi bumitaw sa 23:57, salamat ng marami! And now, let’s proceed to the chapter 6…

            Isa na siguro sa hindi ko inaasahang mangyari ay ang makaharap ko agad si Daisy. Nagbuntong hininga ako hindi dahil namomoroblema ako kundi dahil parang may mabigat na pasan-pasan ko ang biglang nawala sa akin.

            At ngayon, marami akong dapat malaman…

            “Ako si Yuya Kobayashi. Freelance photographer ng Peculiar Magazine. Didiretsahin na kita. Dalawa kami ng girlfriend ko ang nasa 23:57 curse ngayon.”

           

            “A-anong kailangan mo sa akin?” tanong ni Daisy sa akin ng may halong takot.

            “ Sabihin mo, paano kami makakawala sa sumpa ng 23:57?” diretsahang tanong ko dahil iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit ko siya kailangan makita. Wala akong ibang interes kundi malaman kung paano ko maibabalik sa dati ang buhay namin bilang normal na citizen ng Tokyo.

            “Hindi ko masasagot ‘yan dahil hanggang ngayon ay nasa sumpa pa rin ako ng 23:57.” Paliwanag ni Daisy sa akin.

            “Ha?! Ibig sabihin hanggang ngayon ay ginugulo ka pa rin ng mga—“ Hindi pa ako tapos makapagsalita nang biglang tinakpan ni Daisy ang bibig ko ng kamay niya. Takot na takot siyang tapusin ko ang sinabi ko.

            “Oo.” Pabulong niyang sabi sa akin.

            “Pero paanong?...”

            “Paanong nakawala ako sa kanila? Bakit buhay pa rin ako ngayon? Yan ang mga tanong mo ‘di ba?”

            Natahimik ako dahil tama siya. Gusto ko ring malaman ang mga iyon mula sa kanya.         At nakita ko si Oliver na tumayo mula sa kinauupuan niya na dala-dala ang cup na ininuman niya. Gusto niya na yatang umalis pero pinigilan siya ni Daisy na hinawakan ang braso nito ng mahigpit. Nagkatinginan silang dalawa. Hesitant si Oliver pero seryosong expression naman ang itinugon ni Daisy. Wala akong idea sa ginagawa nila pero alam ko sa sarili ko na kailangan kong manatili pa doon para malaman ang mga misteryo ng 23:57.

            “Basahin mo ito…”

           

            Inabot ni Daisy sa akin ang isang journal notebook na kinuha niya sa drawer ng office.  Nanginginig siyang ibigay sa akin ito. Sa totoo lang maraming umiikot sa utak ko pero sa ngayon, pakiramdam ko na kailangan ko munang malaman ang nakasulat sa journal notebook na ibinigay ni Daisy sa akin para basahin.

            May kakaiba sa sulat nang mabasa ko iyon. May nginig, takot at para bang ito na ang huli niyang pagkakataon na ma maisusulat ang mga iyon. Napatingin ako kay Daisy at tumango siya. Huminga ako ng malalalim at sinimulang basahin ang nakasulat.

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon