Chapter 10: I'm not

476 14 0
                                    

Jennie's POV

Pauwi na kami ngayon sa mansion. Bigo pa rin akong makita si Nathan.

"What if, he already rest in peace?" Napatingin ako kay Lisa.

"I mean, baka ang gusto lang ni Nathan makita natin ang bangkay niya then that's it!" Dagdag pa niya.

"Mostly sa mga natutulungan kong bata, hindi talaga ako iniiwan hangga't hindi nakukuha ang gusto nila. At isa lang ang gusto ni Nathan, makita ang Mommy niya. Kaya nasisiguro ko na hindi pa siya nagrerest in peace." Sagot ko.

"What if nakita na niya ang Mommy niya?" Naisip ko rin iyon.

"Sana nga tama ka." Bulong ko.

"Thank you for driving us today Gray, you can take a rest." Paalam ni Lisa kay Gray nang makarating kami sa mansion.

Papasok na rin sana kami nang mamataan ko ang dating kaibigan kong si Hoony— isang multo.

Tinalikuran ko rin siya nang mamatay ang Lola ko.

"Lisa, mauna ka na sa loob may kakausapin lang ako." Sabi ko kay Lisa.

"Nandito na ba si Nathan?" Tanong niya.

Napailing ako.

"Iba ang kakausapin ko."

"Are you sure you don't need me here?" Tanong pa niya.

Nakangiting umiling ako.

"Huwag kang mag-alala, sisigaw ako kapag natakot ako. I'm sure bigla ka na namang lilitaw kung saan." Paninigurado ko sa kan'ya.

Napangiti naman siya.

"You sound so proud huh! Okay, okay. Just call my name." Nag-wink pa siya bago ako iniwan.

Teka...

Teka lang...

Totoo ba iyon?

Nag-wink sa akin si Lalisa Manoban?

Kindat na matagal kong pinangarap?

Bakit pakiramdam ko mahihimatay ako?

"Bakla!"

"Ay multo!" Sigaw ko sa gulat.

"Hahahahaha May tama ka! Multo nga ako!" Tumatawa pang sabi ng baliw kong kaibigan.

Siya si Hoony— Nagpakamatay siya nang malaman niyang nakabuntis ang boyfriend niya.

Kung tutuusin pwede na siyang tumawid sa kabilang buhay pero ayaw pa niyang ayusin ang poot na natitira sa puso niya.

Gusto pa niyang masiguro na maaalagaan ng boyfriend niya ang kapatid niyang siyang nabuntis nito.

Oo, kapatid niya.

Kapatid niya ang binuntis ng boyfriend niya.

Sobra ang pagsisi ng kapatid niya sa nangyari. Sinisisi nito ang sarili dahil nagpakamatay siya nang malaman ang lihim na relasyon nang dalawa.

Matagal ko na silang gustong pagharapin pero ayaw pa niya.

Time heals daw sabi pa ng bruha.

"Ikaw talaga! Ginulat mo ako." Inis na sabi ko sa kan'ya.

"Wait a minute! Parang kilala ko iyon! 'Di ba siya iyong girl crush mo?! Ka'yo na ba?!" Ang lakas talaga ng boses ng babaeng ito!

"Tumigil ka nga dyan! Baka marinig ka ni Lisa?!" Tinakpan ko pa ang bunganga niya na agad din niyang tinanggal ang mga kamay ko.

"Shunga! Paano niya ako maririnig eh multo ako hello?!" Napakamot naman ako.

Oo nga pala.

Nakalimutan ko.

"Sabi ko nga. Teka nga, bakit ka ba nandito? Akala ko pa naman nakatawid ka na sa kabilang buhay." Pag-iiba ko nang usapan.

"Shunga ka talagang bakla ka! Eh paano ako makakatawid eh 'di ba ikaw lang naman makakatulong sa akin na makausap kapatid ko? Pero it's a no! Ayoko, ayoko pa rin siyang makausap!"

Baliw talaga kausap ang isang ito.

"Hanggang ngayon galit ka pa rin ba sa kan'ya?" Tanong ko.

"Chismosa ka na naman sa buhay ko eh! Ayokong pag-usapan." Umirap pa ang bruha.

"Eh baliw ka pala eh! Bakit ka pa nagpakita sa akin?" Bigla naman siyang tumingin sa akin sabay pa cute.

"Uyy, hindi ko gusto ang awra mo Hoony ha, alam na alam ko mga galawan mong gan'yan." Kinakabahan ako sa babaeng ito dahil alam ko may irerequest na naman ito sa akin.

"Eh kasi ganito iyon, pinag-chi-chismissan ka ng mga multo na tumutulong ka na raw ulit. Nang makarating sa akin ang balita eh iyon nga may kaibigan akong gusto ko sanang matulungan mo. Alam mo na, niligtas niya kasi ako noong nakaraang araw, muntik na ako masagasaan sa tren dahil nakatulog ako sa may riles ka'ya ayon, give and take ika nga." Paliwanag ng bruha.

"Alam mo, huwag mo nga akong pinagloloko Hoony. Una sa lahat, hindi ka maaano kahit masagasaan ka pa ng tren dahil patay ka na. Pangalawa, anong pinag-chi-chismissan ng mga multo? Papasok na ako sa loob bahala ka sa buhay mo—

"Teka! Ito naman hindi mabiro! Joke lang! A-Ano kasi, muntik na akong magahasa ng evil spirit. Alam mo na, uhaw na sa sex ang baklang 'to. Hindi ko naman alam na evil spirit pala iyon. Niligtas niya ako, kaya para mo nang awa bakla ka! Tulungan mo ako!" At ang bruha lumuhod pa.

"Hindi mo ako madadaan sa gan'yan Hoony—

"Makikipag-areglo na ako sa kapatid kong hinayupak!" Natigilan ako sa pagtalikod ko na sana sa kan'ya.

Matagal ko na kasing gustong gawin niya ito.

Ang makipag-ayos na siya sa kapatid niya para makatawid na.

Napabuntong-hininga naman ako.

"Sige na, pangako mo iyan Hoony ha." Sagot ko.

Nagliwanag naman ang maputla niyang mukha.

"Yes! The best in the west ka talaga Bakla!" Sabi niya saka ako niyakap.

Napapailing na lang ako sa kan'ya.

Lisa's POV

Masaya ako habang pinagmamasdan si Jennie sa hindi ko makitang kausap niya.

Kung hindi ko siya kilala, mapagkakamalan ko talaga siyang baliw.

"Ang lapad ng ngiti mo dear Laliz ha." Napatingin naman ako kay Lola Afi.

Saka ko lang din napansin na nakangiti nga talaga ako na agad ko naman binawi.

Saka siya tumingin kay Jennie.

"Siguro nakikita mo na rin ang rason kung bakit gusto ko si Jennie. Kaya napapangiti ka na sa kan'ya."

"What do you mean Lola?" Tanong ko.

Pakiramdam ko kasi may ibang kahulugan si Lola.

"Do you like her?" Tanong niya na hindi agad ako nakasagot.

Wait..

Do I like her?

Then my heart skip a beat.

"Dear, hindi sa ayoko sa nararamdaman mo. Jennie is a straight girl, isa lang ang naging karelasyon niya, at lalaki iyon. Ayokong masaktan ka na naman ulit, gaya ng nangyari sa inyo ni Rosie."

At parang bala ang mga salita ni Lola Afi na tumagos din agad sa puso ko.

She's right.

Let's get this one thing straight, I'm not.

At sigurado akong hindi ako papatulan ni Jennie kung sakaling gustuhin ko siya...

Gaya ng nangyari sa amin ni Rose....

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon