Chapter 25: Love birds

502 17 7
                                    

Rosie's POV

Nandito ako ngayon sa balkunahe at hindi pa rin dinadalaw ng antok.

Tumatak sa akin ang sinabi ni Jennie kanina.

She's safe with me.

Sa akin ba hindi?

"Ang lalim ng iniisip mo ha?" Napatingin naman ako kay Jisoo na may dalang dalawang bote ng beer.

Inabot niya sa akin ang isa.

"Walang tequila rito eh, ito lang nakita ko sa ref." Dagdag pa niya.

Tinungga ko na ang beer nang makuha ko ito.

Pakiramdam ko ito ang kailangan ko ngayon.

"Dahan-dahan lang, kahit anong tungga mo d'yan hindi na siya babalik." Natatawang sabi pa niya.

"Unnie!" Galit kong saway sa kan'ya.

"Ikaw kasi eh, na sa'yo na sana, pinakawalan mo pa." Sabi pa niya saka ininom nag beer na hawak niya.

"I know it's my fault." Sagot ko.

"Or baka hindi lang talaga siya para sa'yo, baka ako ang para sa'yo Chae?" Tumawa pa siya pagkasabi niya non.

Natawa na rin ako.

"Ano Chae? Tayo na lang?" Banat pa niya.

"Tumigil ka na Unnie." Natatawang sabi ko sa kan'ya.

"Ouch, basted ba ako? Sige kakantahan na lang kita."

"Ahem, ahem." Umubo pa siya bago kumanta.

"Nais kong magpakalasing, dahil wala ka naaaa!" Sinipa ko naman siya nang matapos niyang kantahin iyon.

Saka tumawa ng sobrang lakas.

"Crackhead ka talaga Unnie." Natatawang sabi ko sa kan'ya.

"Pero seryoso Rosie, let's just support our maknae's happiness okay? After all, she deserves it." Seryosong sabi niya.

Napabuntong-hininga naman ako.

"Yes, of course. Even that happiness, doesn't include me anymore." Nakangiting sabi ko.

Kahit pa alam ko sa sarili ko na hindi ko alam kung kakayanin ko ba talaga.

Mahirap kalimutan ang isang Lalisa Manoban.

Jisoo's POV

Pinagmamasdan ko lang si Rosie habang mahimbing siyang natutulog.

Nalasing ko ata ang isang ito.

Sobra akong naaawa sa kan'ya.

Saka ko naman naalala ang huling pag-uusap namin ni Taehyung.

Flashback

"I don't want to hide this anymore. I like you Chu, more than friends. Alam ko dapat maging kaibigan lang ako, pero hindi ko na talaga kayang itago pa ang nararamdaman ko para sa'yo." Pag-amin ni Taeh.

Matagal ko nang nararamdaman na may gusto siya sa akin.

Ramdam ko sa bawat pag-aalaga niya ang pagmamahal niya.

Pero hindi pwede...

Hindi pwede dahil hindi kami talo.

Babae rin kasi ang gusto ko.

At...

At si Park Chaeyoung iyon.

Matagal ko na siyang gusto pero nanahimik ako.

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon