CHAPTER 6

67 13 0
                                    

KABANATA 6

Napatingin si Nonack kay Pearl. Kung hindi siya nagkakamali, siya na nga ang secretary na nabanggit nito noong nakaraan.

"Pasensya na Mr. President, hindi ko po sinadyang ma-late. Natraffic po kasi kami papunta rito..." mahinahong nagpaliwanag ni Pearl habang iniiwasan ang pagtingin nang direkta sa mata ni Nonack at bahagyang yumuko.

"Anong kalokohan ang pinagsasabi mo, Pearl!" Humakbang paabante si Penelope. Dito na nabahiran ng kaunting galit ang napakaganda niyang itsura.  "Siya ang bagong security guard ng kumpanya natin, kaya bakit mo siya tinatawag na Mr. President?"

"Bagong security guard?" hinanap ni Pearl sa dala dala niyang handbag ang isang picture. Kinumpara niyang maigi ang itsura ng lalaki sa picture at ang mukha ni Nonack at nagmamadaling sumagot kay Penelope. "Hindi po ako nagkakamali, Ms. Peach. Siya po ang bagong presidente ng ating kumpanya na si Mr. Wayne."

"Ano?" Napanganga ang mga taong nakikiusyoso sa kanilang paligid habang hindi mapakaniwalang nakatitig kay Nonack!

"Uhm Miss, si... sigurado akong namamalik mata ka lang hindi ba?" Napakagat na lang nang husto sa kaniyang bibig si Janelle habang nakatingin kay Pearl. "Kilala ko lang lalaking iyan, siya si Nonack na naging kaklase ko noong high school. Tingnan mo kung gaano siya kadungis para maging president ng kumpanya hindi ba?"

Paano itong nangyari! Bakit magsusuot ng mumurahing damit at gagamit ng isang electric bike ang isang presidente ng kumpanya? Wala ring nagawang bumati kay Nonack noong dumalo ito sa kanilang high school reunion nitong nakaraan.

"Nagkamali ako?" Nilabas ni Pearl ang kaniyang cellphone at ipinakita ito kay Janelle. "Basahin mong maigi, mismong kinikilalang ama na ng mga Wayne ang nagsabi sa akin na ang pangalan ng bagong president ng kumpanya ito ay Nonack Wayne! Mayroon ding picture ng bagong president ang kaniyang sinend sa conversation thread naming, tingnan mo!"

Woosh!

Dito na tuluyang nablangko ang isip ni Janelle sa loob ng isang iglap! Nanghina ang kaniyang mga tuhod at hindi na nagawa pang tingnan nang direkta sa mata si Nonack.

Habang napapakagat naman nang husto sa kaniyang labi si Penelope. Bilang deputy manager ng Platinum Corporation, mayroon siyang mas mataaa na posisyon kaysa sa karamihan ng mga empleyado nito. Pero pagmamayari pa rin ng mga Wayne ang Platinum Corporation. Kaya hindi siya makapaniwala na pinagbantaan niyang tanggalin ang mismong presidente ng kumpanya....

"Mister Nonack..." Namutla nang husto ng mukha ni Penelope, naglakad siya papalapit kay Nonack at dahan dahang bumulong dito.

"Sa pagkakaalam ko, hindi iyan ang dapat mong itawag sa akin," tawa ni Nonack. "Tita ka ng kaklase kong si Janelle. Kaya hindi nababagay para sa iyo na tawagin akong mister."

"Mister Nonack, nagkamali ako... Nagkamali po ako, inaamin ko po na nagkamali ako sa inasal ko kanina..." Mahinang sinabi ni Penelope habang nakayuko sa harapan ni Nonack.

Ikinaway ni Nonack ang kaniyang kamay na pumigil sa pagsasalita ni Penelope, tumalikod siya at tumingin sa head of security. Kasalukuyang nakatulala sa mga sandaling ito ang head ng security habang dahan dahang lumiliyad patalikod ang buo niyang katawan na para bang babagsak na sa lupa.

"Tanggal ka na sa trabaho." Walang kahirap hirap na sinabi ni Nonack ang mga salitang ito sa head ng security bago pumasok sa building.

Buong lakas na sumunod ang isang grupo ng mga tao kay Nonack na nagsimula ng mga usap usapan sa mga empleyado na kasalukuyang nasa ground level ng building. Sumunod din sa kaniya sina Janelle at Penelope pero napuno ng pagpapakumbaba ang mga ito. Pinilit pa rin nilang maglakad at makasabay sa bilis ng paglakad ni Nonack kahit na hirap silang maglakad gamit ang kaniyang mga heels.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now