CHAPTER 16

59 14 1
                                    

KABANATA 16

Pagkatapos ng higit sa kalahating oras, naipakita na ng lahat ang kanilang mga regalo sa matanda. Kahit na hindi mamahalin ang ilan sa mga ito, hindi pa rin naman ito maituturing na mumurahin, dahil hindi bababa sa 200,000 dollars ang halaga ng karamihan sa mga ito.

Maaari nating sabihan na pansin pansin ang regalong ibinigay ni Chloe sa matanda.

Isa itong pares ng jadeite bracelets na mayroong flawless na kalidad. Hindi maipapaliwanag ng kahit na sino kung gaano ito kaganda sa kanilang paningin.

Agad itong nagustuhan ni Grandma Perez habang paulit ulit na binabati matapos makita ang regalo nito sa kaniya. Matapos tanggapin ang jadeite bracelets, sinabi ni Grandma Perez sa lahat na "Siya nga pala, si Chloe ang pinakamatanda sa mga batang miyembro ng Perez Family. Pero wala pa siyang boyfriend kaya kung sinuman sa inyo ang may gustong magpakasal sa kaniya, magsabi lang kayo sa akin. Hindi pa rin siyempre puwede ang matigas ang ulo at suwail sa akin. Sabagay, kung gusto niyo nga naman na maging asawa niya, patunayan niyo na isa kayong husband material para sa kaniya."

Agad na namula ang itsura ni Chloe matapos marinig ang mga sinabi ng matanda. Marami na rin sa mga bisita ang nakakaisip na magpropose sa kaniya.

Maganda si Chloe at mayroon ding mataas na estado sa pamilya Perez. Siguradong nasa level na ng pagkadiyosa ang kaniyang ganda kung ilalarawan ito ng kahit na sino.

Sa mga sandaling ito, nakaupo si Chloe sa tabi ni Nonack dahil nakaayos ang mga upuan para sa birthday party nang naaayon sa katayuang mayroon ang mga Perez sa kanilang pamilya. Siguradong itinuturing nang suwerte nang sinumang makakakita sa kaniya si Nonack matapos mapagitnaan ng dalawang mga  nagagandahang binibini, nakaupo ang asawa niyang si Chen sa kanan habang si Chloe naman ang katabi niya sa kaliwa.

Napatango na lang si Nonack sa kaniyang sarili nang ilabas at ibigay ni Chloe ang bracelet sa matanda kanina.

"Nakuha ng bracelet na ito ang interes ko." Bulong ni Nonack sa kaniyang sarili, "Ito ay ang Ice Green Lao Hang Imperial Jade. Maganda na ito para sa marunong tumingin."

Ice Green Lao Hang Imperial Jade ang pangalan ng isang pambihira at mamahaling jadeite. Natural na pampihikan ang kalidad ng pagkakagawa nito, translucent at napakadulas na texture na napasarap sa pakiramdam sa sandaling hawakan ito ng ating mga balat, at makukuha rin nito ang atensyon ng sinumang makakakita rito. Ang mga bracelet na ito ay mayroon halaga na hindi bababa sa 400,000 dollars sa merkado.

Nakaupo na si Chloe nang marinig niya ang bulong ni Nonack. Agad na kumunot ang kaniyang noo habang napapatingin dito.

Maituturing na nakatayo sa magkabilang dulo ng mundo sina Nonack at Chloe, si Chloe bilang isang natural na diyosa habang si Nonack na isang manugang na nakikitira lamang sa pamilya ng kaniyang napangasawa. Naisip ni Chloe na hindi niya pa ito nakakausap mula noong magpakasal ito kay Chen at maging parte ng pamilya Perez.

Pero hindi na nakapagpigil sa puntong ito si Chloe at mapatanong sa sobrang curiosity na bumabalot sa kaniyang isipan "Alam mo na isa  itong Ice Green Lao Hang Imperial Jade?

Nasurpresa rito si Chloe nang husto. Walang sinuman sa kanilang pamilya maliban kay Nonack ang nakakilala sa pinagmulan ng jadeite bracelets na kaniyang binigay.

Tumango naman si Nonack at nagtanong ng "Magkano mo nabili ang mga bracelet na iyan?"

"Six hundred thousand" sagot ni Chloe.

Iniling naman ni Nonack ang kaniyang ulo at sinabing. "Masyado na itong mahal. Nasa higit 400,000 dollars lang dapat ang presyo niyan sa merkado."

"Bakit?"

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now