CHAPTER 10

70 14 0
                                    

KABANATA 10

"Haha, nakalimutan mong dalhin ang iyong bank card? Napakagandang rason!" Malakas na tumawa si James at tumingin kay Samantha, "Nakalimutan mo rin bang dalhin yung iyo, tita Samantha?"

"Oo..."

"Hahaha!" Hindi na mapigilan pa ng lahat ang kanilang pagtawa. Isang dalaga ang biglang napasabi ng "Siguradong nakalimutan din ni Nonack yung card niya, nagpunta lang dito ang pamilyang iyan para makikain nang libre!"

Napakagat nang husto si Chen sa kaniyang labi dahil wala na siyang magawa pa sa pagkakataong ito. Dito na rin kumilos si Nonack."

"Dala ko ang aking card, kaya lang..."

Bago pa matapos ni Nonack ang kaniyang sinasabi, mabilis na inagaw ni James ang kaniyang card at ipinasa ito sa waiter. "Halika rito, tingnan natin kung aabot ba sa 300,000 dollars ang laman ng card na ito!"

Hindi mapakaling napapadyak na lang sa sahig si Chen habang iniisip kung paano magkakaroon ng 300,000 dollars ang card ng kaniyang asawa kung nasa 200 dollars lang ang allowance na ibinibigay niya rito araw araw.

Siguradong lolokohin lang ni Nonack ang kaniyang sarili.

Nakita ni Chen ang pagpipigil ng lahat sa kanilang pagtawa habang hinihintay ang napakagandang joke na mangyayari kay Nonack.

Sa mga sandaling ito, walang kahit na sinong nakapansin na dahan dahang pagtayo ni Wency. Napuno ng pagkagulat ang napakaganda nitong mukha!

"Hindi naman ako nagkakamali hindi ba? Isa ba itong black card ng Amethyst Bank? sabi ni Wency.

Agad na naging kasing tahimik ng sementeryo ang kaninang maingay sa tawanang dining hall.

Mukhang naging bato ang lahat sa mga salitang binitawan ni Wency!

Napakaganda nga ng bank card na ito, isa itong kulay itim na may kulay gintong guhit na parang isang ribbon at isang diyamante na nakaukit dito. Dalawang nagagandahang mga salita ang napakagandang nakasulat sa bottom right na bahagi ng bank card na nagsasabing: Nonack Wayne.

Isang black card ng Amethyst Bank!

Paano ito naging possible? Maging ang Platinum Card ni James ay nangangailangan ng hindi baba sa 10 million dollars magkaroon nito.

Sa taas nito ay ang diamond card na nangangailangan ng saving na hindi bababa sa isang daang milyon.

Sa itaaa naman nito ay ang VIP card na mayroong laman na hindi bababa sa limang daang milyon!

At ang pinakamataas sa lahat ng mga card ay ang black card na nangangailangan ng lamang hindi bababa sa isang bilyong dolyar!

Mukhang hindi tataas sa tatlo ang bilang ng mga card na ito sa buong Donghai City! Walang sinuman sa loob ng hotel na ito maging ang boss na si Norman ang may black card!

Pareho ring natigilan dito sina Chen at Samantha, hindi sila makapagbanggit ng kahit isang salita!

"Isa...isa lang itong sticker na para sa mga bank card hindi ba?" Biglang sinabi ng isa sa mga bisitang malapit nang matawa.

Nakahinga na rin ang lahat sa mga sandaling ito. Mukhang isa lang itong uri ng sticker! Imposibleng magkaroon ng black card ang isang napakadungis na tao.

"Haha, nakakadiri ka talaga Nonack." Malakas na tawa ni James. "Kahit na hindi namin pansinin ang pagiging mahirap mo, nagawa mo pa ring umarte na parang isang mayaman."

Hindi na nagsalita ng kahit na ano si Nonack at nagpakita na lang ng isang ngiti.

Lumapit si Chen at nakita ang waiter na kumuha ng card para bayaran ang kanilang bill. "Nonack, alisin mo nga ang sticker na iyan pag-uwi natin, hindi ka na na nahiya? At...at... sapat ba ang laman ng card mo para mabayaran ang bill natin?" Hindi maiwasang maitanong ni Chen nang pabulong.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now