CHAPTER XLIII

47 17 2
                                    


KABANATA 43

Mukhang magmula nga sa Universe Pill ang hindi maipaliwanag niyang lakas.

Habang mas parami nang parami ang nababasa niya sa libro ay mas pamangha nang pamangha ang kaniyang nararamdaman sa mga nilalaman nito!

Maraming mga uri ng elixir ang nakacore sa librong ito. Halimbawa, ang Divine Power Pill ay may kakayahang palakasin nang husto ang sinumang iinom nito at narito rin ang Light Spirit Pill na magpapagaan sa katawan ng isang tao na parang isang balahibo.

Pero ngayon lang narinig ni Nonack ang pangalan ng mga Pills na iyon at sa napakamisteryoso nitong mga epekto.

Isang halimbawa lang nito ay ang Soul Piercing Pill na ipinapainom sa kalaban at sinasamahan ng training ayon sa pamamaraan ng pagpapalakas dito na may epekto na kumontrol sa kaniyang mga kalaban.

"Talaga! Ganoon iyon kalakas?"

Nang mabasa niya ang tungkol sa   Soul Piercing Pill, napansin ni Nonack ang sangkap na kinakailangan para gawin ang pill na ito at nagulat nang mabasa ang ilan sa mga ito.

"Heaven Spiritual Water... Rootless Stone?"

"Ano ang mga bagay na ito? Mayroon ba talagang mga ganito sa mundo?"

Naguluhan dito si Nonack.

Nagtingin tingin pa si Nonack ng ibang mga Pills at napansin na ang mga sangkap na kinakailangan ng mga pills na iyon masyadong pambihira  na umabot sa punto na kung saan ngayon pa lang niya naririnig ang tungkol sa ilan sa mga ito.

Pero nakikita si Nonack ng isang namumukod tanging pill na mayroong mga sangkap na madali niyang mahahanap.

Ang pangalan ng elixir na ito ay ang Golden Pill.

Hindi pangkaraniwan ang epektong ibinibigay ng Golden Pill na tumutulong sa mga nagsasanay na makalampas sa bottleneck ng kanilang pagpapalakas.

Sinabi ni Faye kanina na maraming tao ang naistuck sa huling bahagi ng kanilang pagpapalakas. Kaya siguradong mapapadali ang pagtawid ng mga taong ito sa sandaling inumin nila ang Golden Pill, hindi ba?

"Kung ganoon, maaari kong gawin ang pill na ito para ibenta sa mga taong nagpapalakas sa kanilang mga sarili. Siguradong kikita ako rito nang malaki!"

Hindi mahirap hanapin ang mga materyalis na kinakailangan para sa paggawa ng Golden Pill. Ang asin at puting suka na kinakailangan nito ay madaling makikita sa kusina ng bahay ni Faye.

Tumingin si Nonack sa mga nakapasong halaman na nakasabit sa bintana ng bahay ni Faye para maghanap ng cacti at dahon ng peony at agad na natuwa sa kaniyang nakita.

Matapos ipunin ang lahat ng sangkap, agad na nagpunta si Nonack sa kusina.

Ayon sa libro, ang pinakamabisang paraan sa paggawa ng pill ay ang paggamit ng isang pill furnace o isang palayok na ginagamit sa paggawa ng mga Chinese Medicine.

Hinayaan na niya ang tungkol sa pill furnace dahil wala naman  nito sa bahay ni Faye.

Matapos maghanap sa kusina, nakikita si Nonack ng isang palayok na gawa sa putik. Nang maihanda na niya ang lahat, sinimulan na ni Nonack ang paggawa sa Golden Pill.

Umaabot ng tatlong oras ang paggawa sa Golden Pill. Hindi na pinanood ni Nonack ang pagkulo ng palayok sa kusina kaya agad siyang bumalik sa sala  para simulang basahin ang "The Geomancy of Yin and Yang".

Napakaganda librong ito kaya agad nitong nahatak si Nonack.

Ilang taon na rin ang nakalilipas mula noong maenganyo si Nonack na magbasa ng isang libro, agad siyang naimmerse sa sobrang ganda ng nilalaman nito.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now