02 : Ready To Play?

83 7 0
                                    

KYLIE

“Seryoso ka ba, Jhamil? Maglalaro ka?” pasimpleng bulong ko.

Tumango lang siya saka nagsimulang maglakad papunta sa mga kaklase naming nakapabilog na. Tumabi siya kay Japhet.

Naupo na rin si Ate Mayet at pumwesto naman siya sa tabi ni Jin.

Hindi ko alam kung bakit ba gusto nilang laruin ang librong 'yan. Ang nakakagulat pa doʼn, pati si Roselyn at Sheila, sumali rin.

“Hindi ka sasali, Kylie?” napatingin ako kay Jhamil ng marinig ko siyang nagsalita.

Nakatingin silang lahat sa akin at inaabangan ang sagot ko. Kahit ayokong maglaro, wala na rin naman akong choice dahil ako lang ang hindi sasali kung sakali.

“Sasali ako.” nag-aalangan kong sagot saka ako pumagitna kina Roselyn at Sheila.

Sinamaan ko naman sila ng tingin pero nag-peace sign lang sila saʼkin.

“Ang daya niyo talaga. Bakit hindi kayo sumunod?” bulong ko, “Akala ko ba, hindi tayo sasali?”

“Sorry na. Ang bilis mo kasing nakababa kanina kaya naiwan kami. Ayaw na rin naming makipagtalo kay Mayet kaya pumayag na lang kami sa gusto niya. Alam mo naman ang babaeng 'yon, feeling leader.” pasimpleng bulong ni Sheila kaya nagtawanan kaming tatlo.

“Can you please minimize your voice?” saway ni Ate Mayet ng marinig niya kaming tumatawa.

Kontrabida talaga siya sa buhay namin kahit kailan.

“So, Jhamil, are we going to start na ba? I canʼt wait na, eh.” maarte niyang sabi.

“Arte, amp ta.” bulong ko sa sarili.

Nakita ko si Jhamil na inilagay ang libro sa harapan niya saka hinawakan ang kamay ng katabi niyang si Japhet at Agna.

“Letʼs hold each otherʼs hand and please repeat after me.” nagsimula na siyang magsalita, “Verum solum dicemus.

“Verum solum dicemus.” pag-uulit naming lahat ng sinabi niya.

[transl.; We will only speak the truth.]

“Quicumque mentitus fuerit, punietur.” muli niyang sambit.

“Quicumque mentitus fuerit, punietur.”

[transl.; Anyone who will lie will be punished.]

Pagkatapos naming sabihin 'yon, sinimulan na kaming pabunutin isa-isa ni Ate Mayet.

Dalawang beses kami uulit sa pagbunot dahil ang unang lagyanan ay naglalaman ng numbers. Ang numbers ay ang pagkakasunod-sunod raw namin.

Ang pangalawang lagyanan naman ay naglalaman ng mga pangalan namin. Ang pangalang mabubunot ay ang siyang magtatanong saʼmin.

Sa gitna ay may kutsilyo at lagyanan kung saan isasahod ang dugo.

Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan silang bumunot isa-isa.

Wala na talagang atrasan 'to, Kylie.

“Okay, guys, pwede niyo ng tingnan ang mga nabunot niyo.” sabi ni Ate Mayet ng makabalik siya sa pwesto.

Tahimik kong binuksan ang unang papel na nabunot ko.

Twenty-two.

Sunod kong tiningnan ang pangalawa kong nabunot.

Agorcio Lacoste.

“Sinong nabunot mo, Kylie?” tanong saʼkin ni Sheila ng mapansin niyang hindi ako kumibo.

OvernightWhere stories live. Discover now