17

33 4 0
                                    

KYLIE

“Kung ganoʼn, we really need to get out of here,” seryosong sabi ni Patricio.

Lutang na lutang ang isip ko. Halos sina Roselyn lang ang nagsasalita magmula pa kanina dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko ang guilt.

Ako ang susi. Ako lang ang tanging makakaligtas sa kanila. Hindi ko naman pwedeng hayaan na mamatay silang lahat dahil saʼkin.

“Sigurado ba kayong aalis tayo kahit napakalakas ng bagyo?” tanong ni Agna na parang nagdududa sa balak naming gawin.

“We have no choice, Agna. Kapag hindi tayo nagdesisyong umalis, dito na tayo mamamatay lahat. Magpatuloy man ang laro, at least merong tutulong sa atin sa labas,” turan naman ni Agor.

Napabuntong-hininga ako. Grabeng lakas ng loob talaga ang ginawa ko para sumabat sa usapan nila.

“Wala namang paraan para maligtas kayo kung hindi ang ialay ako,” pagsabat ko sa usapan.

Kasabay naman noon ang pag-iba ng mukha ni Jin.

“Kylie, we already closed that topic. Stop mentioning it again,” suway niya. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya pero iba ang inis niyang ganʼyan. Alam kong dahil sa pag-aalala.

“Jin, wala ng ibang paraan,” sagot ko naman saka ako humawak sa kamay niya. “Alam kong hindi 'to madali sainyong lahat pero—”

“Kylie, please, tama na. Napag-usapan na natin 'to, hindi ba? Walang iaalay. Kung hindi man tayo makahanap ng paraan, sama-sama tayong lahat na mamamatay. Isang pamilya tayo dito,” nagsalita si Agor kaya natigilan ako.

Hindi na lang ako kumibo. May parte saʼkin na gusto kong maiyak dahil pinapanindigan talaga nila ang sinabi nila. Ngayon ko nararamdaman ang pagkakaisa namin.

“Mamaya na kayo mag-iyakan. Letʼs hurry up,” sabi naman ni Pat na ngayon ay binubuksan na ang pinto.

Paglabas naming lahat, sinalubong kami ng malakas na hangin. Nakapayong naman kami pero dahil siksikan kami sa payong, nababasa pa rin ang ilan sa amin.

Si Jin naman ang nagdesisyong mag-drive ng van. Ipinaupo niya naman ako sa tabi niya.

Gumaan lang ang loob ko ng sinimulan niya ng paandarin ang sasakyan. Napangiti ako ng palihim habang pinagmamasdan ko si Jin na sobrang focused sa pag-da-drive.

Kung wala sigurong nangyayaring patayan ngayon, baka nagtatatalon na ako sa tuwa kasi pinapansin ako ngayon ni Jin. Nagawa niyang yakapin ako. Sinabi niya pa saʼkin na ayaw niya akong mawala. Gusto kong malunod sa tuwa pero sa ngayon kasi, mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko.

Hindi kami sigurado kung may makakasalubong ba kami para tumulong sa amin. Natatakot ako na baka ipahamak pa namin ang naging desisyin namin na lumabas.

“Umiilaw ang libro,” sabi ni Agor na nakaupo sa likurang bahagi ng van.

Napalingon kaming lahat maliban kay Jin na nakafocus pa rin sa pag-da-drive.

“Dala pa rin pala niya ang libro. Dapat yata iniwan mo na lang 'yan,” sabi naman ni Conrad.

“As expected, nadagdagan na naman ang mga pangalan na nandito,” wala sa sariling sabi ni Agor at isinara na ang libro.

Wala ng kumibo sa amin pagkatapos noʼn. Siguro ay dahil pagod na rin ang lahat. Halos kinse minutos din ang itinagal ng pananahimik namin. Pagtingin ko nga sa rear mirror, meron ng natutulog. May iba naman naman na tulala na kasi nagpipigil ng antok. Magaan na ang pakiramdam ng lahat nang biglang tumigil ang van. Lahat kami ay napatanong na lang ng, “Anong nangyari?”

OvernightWhere stories live. Discover now