Epilogue

37 4 0
                                    

Hindi niya alam kung saan siya pupunta, kung saang direksyon ba siya dapat na tumungo. Panay lang ang hikbi niya sapagkat siya na lamang ang nag-iisang buhay.

Ang nasa isip ni Kylie sa mga oras na 'to ay ang makahingi ng tulong. Nanghihina na siya dahil sa gutom. Nanginginig na rin siya sa sobrang lamig. Pagod na pagod na ang katawan niya pero pinilit niya pa ring makatakbo. Kahit gusto niya ng sumuko, hindi niya ginawa dahil naaalala niya ang huling habilin ni Agor, Roselyn, at Jin sa kanya.

“Kailangan mong mabuhay para masabi mo pa sa girlfriend ko kung gaano ko siya kamahal.”

“I love you, Kylie. I love you so much, thatʼs why I want you to stay alive. Go away, please.”

“Kylie, gusto kong mabuhay ka pa ng matagal. Ipangako mo saʼkin na mabubuhay ka.”

Ang mga sinabi nilang 'yon ang dahilan kaya tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Nakarinig siya ng kotseng paparating. Nabuhayan siya at kaagad na natigilan. Hinintay niya ang pagdaan ng kotse.

“Tulong! Parang awa niyo na, tulungan niyo ako!” she shout as loud as she can.

Kahit medyo paos na siya kasisigaw, hindi pa rin siya tumigil hanggaʼt hindi tumitigil ang kotseng dumaan.

Mukhang hindi siya nito narinig dahil mabilis ang pagpapatakbo nito kaya naman hinabol niya ang kotse. Pumunta siya sa gitna ng kalsada saka ito hinarangan.

“Magpapakamatay ka ba, Miss?!” ibinaba nito ang bintana ng kotse para silipin ang kung sino man na humarang sa gitna ng madilim na kalsadang iyon.

Natigilan ito ng makita ang tila basang sisiw na si Kylie. Naawa siya rito at kinuha ang jacket na nasa backseat ng kotse niya.

“Anong nangyari saʼyo? Bakit basang-basa ka?” tanong ng lalaki sa kanya saka ipinatong sa balikat ni Kylie ang jacket na kinuha nito.

Hindi makapagsalita si Kylie dahil nanghihina na siya ng sobra. Nginitian niya lang ang lalaki. Sa isip niya ay masaya siya dahil sa wakas ay may tulong na ring dumating.

“Halika na. Dadalhin kita sa hospital,” sabi sa kanya ng lalaki. Napakabuti ng loob nito dahil pinagbuksan pa siya ng pinto ng kotse.

Inalalayan siya nito na makapasok sa loob, sa tabi ng driverʼs seat. Nagsimulang mag-drive ang lalaki palayo sa lugar.

“Salamat ho sa tulong,” iyon lang ang nasabi niya sa lalaking tumulong sa kanya.

Wala na siyang ibang masabi dahil masaya siyang nakalayo na siya sa nakakatakot na lugar na iyon.

Ipinangako niya sa sarili na sa oras na makaalis siya roon ay hindi na siya babalik pa.

“Ano ba kasing nangyari? Bakit basang-basa ka? May mga mantsa rin ng dugo ang damit mo,” sabi ng lalaki saka ito sumulyap saglit sa kanya.

“Hindi ko po alam kung maniniwala ka sa mga sasabihin ko,” sagot ni Kylie saka ito napayuko. “May nalaro pa kaming mapanganib—”

The car pulled up with a screech of brakes. Doon nila na-realize na may nabunggo sila. Napatingin sila sa unahan para tingnan kung ano 'yon. Mukhang may malaking puno na nakaharang sa daraanan nila.

“Dito ka lang. Lalabas ako saglit para tingnan kung may pwede tayong ibang madaanan,” pagpapaalam ng lalaki sa kanya.

Tumango lang si Kylie. Pinagmasdan niya lang ang lalaki na sinisilip ang madilim na daan gamit ang flashlight.

Nanlaki ang mata niya ng makita si Jin na naglalakad na palapit sa lalaki. Wala man lang kamalay-malay ang lalaki na nakatayo na ito sa likod niya.

“Kuya!” pagtawag niya rito pero mukhang hindi siya nito narinig.

Sheʼs panicking already.

“Kuya, pumasok ka na ng kotse!” tarantang sigaw niya sa lalaki pero mukhang wala itong ideya kung bakit siya sumisigaw, “Kuya, pumasok na ho kayo dito sa loob!”

“Ha? Bakit—ah!”

“Kuya!” napasigaw na lamang si Kylie dahil nakita niya kung paanong binutas ni Jin ang puso ng lalaki gamit lamang ang kamay nito.

Dali-dali niyang sinara at ni-lock ang pinto ng kotse. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili para mag-isip ng paraan kung paano makakatakas.

“Effugere non potes,” sambit ni Jin habang naglalakad na ito palapit sa kotseng kinapapalooban niya.

Mas lalong nataranta si Kylie ng lumapit si Jin sa pinto ng kotse at walang kahirap-hirap itong binuksan.

Kaagad siyang lumabas sa isang pinto ng kotse at tumakbo.

Hindi niya na makita ang dinaraanan niya basta takbo lang siya ng takbo. Nanlalabo na ang paningin niya dahil pakiramdam niya ay malapit ng bumigay ang katawan niya.

“Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw niya sa pagbabakasaling may tulong na darating.

Sa kakatakbo niya, hindi niya napansin na nakabunggo siya sa puno. Napahawak siya ulo saka natumba.

Tiningnan niya ang kamay niya at nakitang may dugo ito.

“Tulong,” mahina niyang sambit.

Narinig niya na ang mga hakbang ni Jin papalapit sa kanya. Pakiramdam niya ay wala na siyang pag-asa na makaligtas pa.

“Tulungan niyo ako,” iyon ang huling sinabi niya bago tuluyang nanlabo ang paningin niya at nawalan ng malay.

- ☪ -

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon