15

39 4 0
                                    

KYLIE

Nagsitakbuhan kaming lahat papalayo sa kanya. Sinubukan naming magsitakbuhan palabas pero biglang nagsara ang pinto. Animoʼy may malakas na hangin na dumaan. Pati ang mga bintana ay nagsara rin.

Kaba naman ang binalot noʼn sa aming lahat. Nakikita ko sa mga mata nila ang kawalan ng pag-asa. Sa mga oras na 'to, ramdam kong pinanghihinaan na rin sila ng loob gaya ko. Sa kabila ba naman ng mga nangyari, hindi naman makakapagtaka kung bakit halos lahat kaming narito ay sumusuko na.

“See? Palpak na naman ang plano niyo. Mga b bo talaga,” nabaling ang tingin ko kay Exequel na ngayon ay nakahalukipkip malapit sa may hagdan. May hawak siyang itak na malamang sa malamang, kinuha niya doon sa ilalim ng lababo.

“Magtigil ka nga. Nakatulong ba ang pagsumbat mo saʼmin, ha?” gatong naman ni Roselyn sa kanya.

“Kapag hindi ka tumigil, ikaw talaga ang unang makakatikim ng itak na 'to, makikita mo,” pagbabanta naman ni Exequel. Nakatingin pa siya ng masama kay Roselyn na talagang ikinabahala ko.

Nararamdaman kong hindi malabong magawa niya 'yon sa kanya, sa ugali niya ba namang 'yan. Lahat ay gagawin niya para mabuhay.

“Roselyn, magtigil ka na para wala ng gulo,” mahinang bulong ko sa kanya saka siya tumango.

Mukhang natakot rin siya sa pagbabantang 'yon ni Exequel kaya hindi na rin siya sumagot pa.

“Kylie,” parang tatalon ang puso ko sa tuwa ng marinig kong tinawag ako ni Jin. Napailing na lang ako at pinigilan ang sarili na kiligin. Nasa panganib kami ngayon at walang oras para dito. “Come here,” muling turan niya.

Nagulat na lang ako ng maramdaman kong may biglang humila saʼkin. Hindi ko alam kung paano mag-re-react ng makita kong si Jin iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

“Dito ka lang sa likod ko. Kahit anong mangyari, dito ka lang,” rinig kong sabi niya.

Tumango lang ako at agad na ibinaling ang tingin kay Jhamil na ngayon ay nakatayo na. Nakangisi siya ng nakakakilabot sa puntong nagsisitaasan ang mga balahibo ko.

“Exequel, nasaan ang baril?” rinig kong tanong sa kanya ni Pat.

“Hindi mo ba nakitang kinuha saʼkin 'yon ni Jhamil kanina?” pagalit namang sagot nito.

“Nasa akin ang baril, salo!” rinig kong sabi ni Japhet at kaagad naman 'yong nasalo ni Pat. Sa kanya pala 'yon ipinatago ni Jhamil.

Sa totoo lang, kinabahan ako nang iabot ni Japhet ang baril kay Pat. Ayokong may masaktan o mamatay na naman. Ayokong may isa na namang kaklase namin ang mababawas.

“Daemon sum,” nagsalita si Jhamil. Sobrang lalim ng boses niya na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Nakakilabot ang boses niyang 'yon.

“Patricio, please, hanggaʼt kaya mo, huwag mong sasaktan si Jhamil!” sigaw ko.

Nilingon niya ako saka siya tumango. Nagsimulang itutok ni Pat ang baril sa kanya ng maglakad si Jhamil palapit saʼmin.

“Nemo potest prohibere ad me,” muling turan ni Jhamil dahilan para mas lalo kaming kabahan.

Wala ni isa saʼmin ang kayang makaintindi ng mga sinasabi niya. Hindi namin alam ang ibig sabihin ng mga 'yon. Kailangan namin ng tulong niya. Hindi siya pwedeng mamatay.

“F ck, back off, dem n!” rinig kong sigaw ni Pat.

Nakatutok pa rin ang baril kay Jhamil. Mas lalo akong nangilabot ng maglakad siya pero hindi siya kay Pat papunta.

OvernightWhere stories live. Discover now