Prologue

2.1K 53 20
                                    

Prologue

"Hey! Nakita mo ba si Trey?" tanong ko kay Cassidy. She's our class president.

She look at me and slowly shook her head. "Hindi bakit? Nag-away ba kayong dalawa? May problema ba kayong dalawa? The two of you should talk."

I leat out a heavy sigh. "It's our anniversary but... he's found to be unknown. I don't know where he is."

Where are you, Trey? It's our anniversary but you're not here. How could you to forget our special day? I hate you... but I can't hate him because I love him so damn much.

"Malay mo naman may surprise lang si Trey sa 'yo diba? Kilala mo naman ang boyfriend mo...mahilig gumawa ng surprise," nakangising wika nito habang umiling-iling.

Yeah right. Sobrang masikreto siyang tao at minsan ay magigising na lang ako na may bulalak na binibigay sa akin si Yaya Minda tuwing umaga.

"Yes, maybe he have a surprise for me." Pagkukumbinsi ko sa aking sarili kahit deep inside ay may iba na akong iniisip.

"Don't think to much, Alora. Ikaw rin baka masira pa ang anniversary mo sa kakaisip ng kung ano-ano," usal nito. Tinapik niya ang balikat ko bago ako tuluyang iwanan dito sa loob ng classroom.

Lunch na rin kasi at hangang ngayon hindi pa ako kumakain. Hinihintay ko kasi si Trey pero wala pa siya. Actually kanina pang umaga wala siya, hindi siya pumasok. Hindi ito ang una dahil pang-apat na beses na ito. Sabi niya may ginagawa siyang mahalang bagay kaya pinalampas ko at hindi ako nagalit sa kaniya. Sana this time ay huwag niyang idahilan sa akin na may ginagawa siya.

Umupo ako sa upuan ko at hinihintay si Trey na dumating. Malay natin diba bigla siyang sumulpot sa pintuan na may dala-dalang bulaklak para surpresahin ako, katulad ng ginawa niya dati sa akin tuwing monthsary namin.

He's cheating on you, Alora. I saw him!

Umiling-iling ako dahil biglang pumasok sa isipan ko iyong sinabi sa  akin ni Patricia.

Why all of sudden? Bakit bigla na lang itong bumabalik sa aking alaala?

He's not cheating on me. He won't! Hindi niya magagawa sa akin iyon. He loves me as I love him. Hindi niya ako kayang lokohin.

But what if... he can? Paano kung niloloko nga niya ako?

If Trey is cheating on me I will never forgive him. 

"Alora!" Napatingin ako sa pintuan, niluwa doon si Patricia na hinihingal. "I saw him again. He's cheating on you! Believe me."

"Do you have any proof that he's cheating on me? Kung wala, huwag mo akong kausapin,," mataray na wika ko.

Tumayo na ako at kinuha ang aking bag. . Aalis na sana ako ngunit bigla akong napatigil dahil sa paghawak ni Patricia sa aking kamay. Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata at nakatingin din ito sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa na tila ba ay nag-uusap ang aming mga mata. Ngunit ako na mismo ang bumitaw dahil ang sakit sa mata at puso lalong-lalo na nakikita kong sinsero at nagsasabi ng totoo ang kaniyang mga mata.

I shook my head while letting out a deep sigh.

"I don't have proof to prove to you that he was cheating. Pero kaya kitang dalhin kung saan siya ngayon at iyong kabit niya," mariing wika nito.

"And guess what? They are making out," she added that made my heart pound so fast.

Dumaan ang sakit sa aking mga mata at parang kinapos ako ng hangin sa narinig ko mula kay Patricia. She was just joking right? Hindi magagawa ni Trey sa akin iyon, hindi niya ako lolokohin.

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now