CHAPTER 15

463 12 0
                                    

Nakatingala si Violet sa isang bahay na matagal niyang hindi nakita.





Kahit padilim na ay maliwanag pa rin sa mata niya ang bahay na nasa harapan niya.





Walang naging problema sa pagbibigay sa kanya ng boss niya ng leave kahit hindi pa siya nagrerequest.





Nandito ka ba, Krist? Tanong na nabuo sa isipan niya.





Inilabas niya ang dalawang susi sa bulsa niya at saka nagbuntong hininga.





Hindi na siya nagtaka na nagbukas ang pinto ng gate nang buksan niya iyon.





Wala siyang nakitang sasakyan roon kaya nagdadalawang isip siya kung nandoon ba talaga si Krist lalo na at nakalock ang gate.





Isinuksok niya ang isa pang susi at nakarinig siya ng click na patunay na nagbukas ang lock ng pinto.





Pagbukas niya palang ay katahimikan na ang sumalubong sa kanya.





Pinalibot niya tingin sa sala pero maayos ang mga figurine na nandoon.





Naagaw ng pansin niya ang malaking picture nila ni Krist nang kinasal silang dalawa.





It’s still here. She said through her head.





She’s in their house when they got married. A house who witness their love for each other.





Muli niyang pinagmasdan ang paligid at walang nagbago roon. Kahit na ilang months lang siyang nag-stay sa bahay nila ay alam niya ang ayos ng bawat gamit nila.





“Nandito ba talaga siya?” tanong niya sa sarili.





Nagpasya siyang magtungo sa kusina pero wala namang nagbago, kaya umakyat siya sa second floor.





Sa paglalakad niya sa second floor ng bahay ay napansin niya ang pamilyar na pinto.





Walang salita na binuksan niya iyon at agad na napuno ng lungkot ang saloobin niya.





The room is full of children’s theme. It’s supposed to be their children’s room.





Pinaglandas niya ang palad niya sa may crib at sa laruan na nakasabit roon.





“This never happened in our marriage life” she murmur.





Napalingon siya sa kaliwang gawi niya nang makarinig ng kalabog.





It’s our room. She suddenly thought.





Mabilis na lumabas siya sa nursery room at nagtungo sa kwarto nila noon.





Pagbukas niya ng pinto ay kadiliman ang sumalubong sa kanya.





Mabilis na hinanap niya ang switch at nang mabuksan iyon ay mga nagkalat na alak ang bumungad sa kanya.





Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Krist na nakahiga sa kama.





Nakahinga siya ng maluwag nang makita ito. Thanks God, he’s here.





Naglakad siya palapit rito at iniwasan ang mga nagkalat na bote.





Nang makarating sa pwesto nito ay mabilis siyang naupo sa gilid ng kama.




LFD 5: Restraint Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now