CLARE’S POV
“Clare… don’t be stubborn!!”
naiinis na si Blaze pero ayoko!!
“no! ayoko!!”
“Clare… umuulan… basa na tayo…”
“no ayoko pa rin!! Sa iba na lang tayo blaze!!!”
Nasa harapan kami ng isang kweba at sinasabi ko na ito ngayon pa lang…
NEVER!! As in NEVER nyo akong mapapapasok dyan!!
Kahit pa dito ako matulog sa ulanan ok lang!!wag lang akong makapasok sa kweba na iyan!!
“hindi pwede… dito na lang…”
“no ayoko!! Hin—Blaze!! ibaba mo ako!!”
Binuhat nya ako papasok na parang sako…
Huhuhu!! Ayoko sa madilim na kwebang ito… nakapikit lang ako habang buhat ni Blaze… dahil natatakot akong pagmulat ko ay nakakatakot na bagay ang bumungad sa akin…
“blaze… ayoko dito… natatakot ako…”-mahina kong sabi sa kanya
Napahinto naman sya at ibinaba ako…
Nanatili akong nakapikit at hawak ng mahigpit ang laylayan ng damit nya…
“walang nakakatakot…open your eyes…”-malumanay na sabi nya..
Umiling lang ako ng isang beses at nanatiling nakapikit…
“ayoko… natatakot ako..”
“nandito ako clare… walang dapat katakutan…”
Ewan ko ba pero nung sinabi ni Blaze iyon ay kusang nawala ang takot ko…
Unti-unti kong iminulat ang mata ko at namangha sa nasaksihan ko…
Waaaah!!! Kung ganito pala kaganda sa loob ng kwebang ito ay kanina pa ako nagsight-seeing…
May malalaking mushroom na umiilaw…
Iba’t-ibang kulay sila…
Ang liwanag ng kweba dahil sa mga mushroom…
BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasyNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...