CLARE’S POV
“WAAAAAAH!!!!”
Napabalikwas si Blaze ng bangon dahil sa sigaw ko…
“anong nangyari?!”-blaze na halatang bagong gising dahil sa magulong buhok at mapungay na mata…
>/////////////< SH*T! GWAPO!
Ano bang nangyayari sa akin?! Simula to kagabi eh!! Si Blaze kasi kung ano-anong pinagsasabi!!!
“hoy! Ano ba?! Bakit ka sumisigaw?!”
Sigaw nya pa na naiinis… katakot…
Pero dahil dun..natauhan ako at naalala ko ulit ang mukha ng ahas na una kong nasilayan pagbukas ko ng mata…
“yung ahas!!”-ako
Ginulo ni Blaze yung buhok nya sa sobrang inis…
“I told you they won’t hurt you!!”
“Eh sa nagulat ako kaya ako napasigaw!!”
Ilang beses syang nagbuntong hininga na tila pinapakalma ang sarili nya…
Now, alam ko na…
Wag gisingin si Blaze… nakakatakot…
“go pack your things… we’re leaving…”
“ay cge..”
*****
“WAAAAAHHH!!! AYOKO NA!!!”-ako
“RUN CLARE!! CAN’T YOU RUN?!”-blaze
Ano pa bang takbo ang gusto ni Blaze??? Eh halos mamatay na ako sa kakatakbo!!
“EH KUNG TINUTULUNGAN MO KAYA AKO?!”-ako
Kasalukuyan akong hinahabol ng yati…
Yung sinasabi nila silvia na nalawayan daw si Cass…
Ngayon alam ko na kung bakit diring-diri si Cass…
ANG BAHO NILA!!! At nandudura!! Eeeewww!!!
At ang walangyang blaze!! May pasabi-sabi pang ‘there’s nothing to be afraid of when you’re with me’… samantalang iniwan ako dito at umakyat sa puno…
Maliliit lang kasi ang yati kaya hindi sila makaakyat…at tatantanan ka na nila basta nasa mataas ka nalugar…
Paano ako nahantong sa ganito??? Dahil lang naman sa pagkamangha ko sa mga bagay-bagay…
Ganito kasi yun…
FLASHBACK
Lumabas na kami ni Blaze sa kweba at naglalakad na kami…
At syempre ako ay patingin tingin sa paligid dahil baka may makita akong kakaiba… at hindi nga ako nabigo…
Nakakita ako ng damo na umiilaw ilaw… hindi sya gaanong halata dahil maliwanag na pero pagtinitigan ay mapapansin talaga…
Dahil natutuwa ako sa damo… lumapit ako dito at hinawakan ito pero…
“clare no!!”-blaze
“huh?”
Biglang umalingasaw ang masansang na amoy at nagulat ako ng tumayo yung halaman…
O_O
Buhok pala iyon ng maliit na nilalang!!
Pero Yak!!! Ang baho!!
“RUN!!”-yun lang ang sinigaw sa akin ni Blaze at nagsimula na ang marathon ko…
END OF FLASHBACK
Kailangan ko pa ng masinsinang paghuhugas ng kamay…
Kumapit ata sa akin yung amoy…
Nakakita ako ng baging…
Dun na lang ako sasabit…siguro naman tatantanan na ako ng Yati na to kapag nakasabi na ako…
Kaso… hindi ko alam na ang baging na iyon ay inaapakan pala ni blaze… kaya ang ending… nalaglag sya at saktong pagdura nung yati… pareho tuloy kaming mabaho…
“YAAK!!! Ano b—BLAZE!!!”
Magrereklamo sana ako pero binuhat na ako ni blaze na parang sako at itinakbo…
Nakita ko naman na lumayo nay un yati….
Naku…galit ata si Blaze…
Pero yak! Ang baho talaga!!
***
Sorry sa typos... Thanks for reading!! ^_^
BINABASA MO ANG
Dragons Academy
FantasyNapadpad ang isang dalaga sa Paraiso... A place where magic and mythical creatures exist... ngunit hindi nya alam na sya mismo ay bahagi ng mundong iyon.. Nakapasok sya sa Dragons Academy kung saan namamalagi ang mga nilalang na hindi nya inaakalang...