Chapter 9: The Return

1.4K 52 41
                                    

ʚɞ The Return ʚɞ

They raced their horses swiftly through the forest, returning to Crewd Academy. Excitement filled their hearts as they couldn't wait to share the good news. Drenched in their uniforms and with the path turning muddy and slippery, they disregarded the pouring rain that surprised them on their way back to the academy.

"Airyn, Chantal, kaya niyo pa ba?!" Jater shouted to make himself heard by the two girls who were leading the horse race ahead of him. Ramdam niya ang panginginig dahil sa lakas ng ulan kaya naisip niya na baka pati ang dalawang dalaga ay nanginginig na rin.

With her arm raised, Airyn gestured a thumbs up into the air, aiming for Jater, trailing behind her, to notice. At the same time, Chantal maintained a steady pace, matching the speed of her older brother's horse as he led the group.

"Ako ba, Jater?! 'Di mo ako tatanungin?!" Sumulpot naman sa gilid niya si Kairo habang nakangisi at halata sa mukha ang pang-aasar.

"Matanda ka na, kaya mo na 'yan!" inis na sigaw ni Jater sabay binilisan ang pagpapatakbo para iwanan na ang lalaking laging sumisira ng araw niya.

Tawang-tawa habang napailing-iling naman si Kairo nang matagumpay niyang naasar si Jater. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakbay sa maputik na daan at sa ilalim nang malakas na ulan.

After a while, Charlie suddenly caught sight of something ahead. He swiftly pulled the reins of his horse, kaya napatigil ang kabayo niya. Maging ang mga kasama niya ay napatigil din, nagtataka sa biglaang pagtigil ni Charlie. Nakita nila ang ginang na mabagal na naglalakad sa gilid, may dala itong itim na basket ngunit wala itong kahit anong panangga sa malakas na buhos ng ulan.

"Ako na ang mag-aangkas sa kanya," presinta ni Airyn.

Bumaba naman si Jater sa kabayo niya at nilapitan ang ginang. "Puwede po kayong sumabay sa amin para mas mabilis kayong makarating sa destinasyon niyo," magalang na sambit nito.

Napatingin naman ang ginang sa mga nakapaligid sa kanya at napangiti nang makilala ang mga ito. "Naku! Mga estudyante pala ng Crewd Academy! Maraming salamat sa inyo. Nasa gitnang banda ng gubat ang tirahan ko."

Airyn couldn't help but smile, as it turned out that the lady they encountered recognized them as students of Crewd Academy. Natawa naman si Airyn sa isip niya dahil para namang hindi kilala nang nakararami ang school nila. Inalalayan na ni Jater at Kairo ang ginang para makasakay ito sa kabayo ni Airyn. Nang tuluyan itong makasakay ay tinuro nito ang daan papunta sa kanyang bahay.

As they arrived at their destination, they were greeted by a house entirely made of pure wood. The lady extended a warm invitation, welcoming them inside. Napakasimple lang ng bahay kung titingnan sa labas, ngunit kapag nakapasok ay napakagarbo nito. The air was fragrant with the sweet aroma of blooming flowers, and vibrant plants breathed life and color into every corner. Delicate wooden animal figurines, carefully carved with complex detail, seemed almost animated, poised to share their enchanting stories. May mga wooden ornaments sa mga dinding and they are emanating an aura of mystery and awe with their exquisite details.

"Maupo kayo r'yan at gagawan ko kayo ng mainit na tsokolate," matamis na sambit ng ginang habang inilalapag sa mesang nasa gitna ang mga tuwalya at mga damit. Pagkatapos ay dumiretso na ito sa kusina para magtimpla ng tsokolate.

Nang makapagpalit na sila at makapagpatuyo ay nakahanda na rin ang umaalingasaw na bangong hatid ng mga kulay puting cookie at ng aroma ng mainit na tsokolateng nakahanda sa sala.

"Wow! Mukhang masarap ang cookies," manghang ani Kairo sabay dampot agad sa lalagyanan nito.

"Sige lang at kumain kayo. Batid kong malayo pa ang lalakbayin niyo."

Crewd Academy: Reign of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon