Chapter 5: Uncanny

12.4K 569 440
                                    

ʚɞ Uncanny ʚɞ

Airyn inhaled deeply; her gaze rested upon Chantal, perceiving the worry in her eyes as she observed her elder brother peacefully sleeping in the hospital bed. Airyn, too, contemplated when Charlie would regain his former self.

Nabalik sa ulirat si Airyn nang marinig niya ang mahinang hikbi ni Chantal. Napayuko na lang si Chantal at hindi na napigilan ang paghagulgol. Agad na tumayo si Airyn para lapitan ito at pakalmahin. Hinagod niya ang likod nito para maibsan ang bigat na dinadala niya.

"It's okay to cry, Chantal. Alam kong napapagod ka na rin."

Napayakap na lang si Chantal kay Airyn at hinayaan ang sarili sa mga bisig nito. "Ngayon na nga lang kami nagkasama, bakit ganito pa?" Napakagat ng ibabang labi si Chantal. 

"Don't worry too much about your Kuya; everything will be fine," in a gentle voice, she reassured Chantal, softly stroking her hair. "Konting tiis pa, Chantal. Kailangan lang natin siyang alagaan."

Napahiwalay sila sa isa't isa nang marinig ang pagbukas ng pinto. Doon ay nakita nila ang dalawa na sina Jater at Kairo na naglalakad papalapit sa kanila. Agad na tumayo si Airyn nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Kairo. Sinuri niya ang buong katawan nito na puno ng benda dahil sa mga natamo niyang sugat.

"Ayos ka na ba? May masakit pa ba sa 'yo?" Maririnig mo ang pag-aalala sa boses ni Airyn na hindi pa rin matanggal ang mga mata sa mga benda sa iba't ibang parte ng katawan ni Kairo.

Kairo smiled devilishly. Tila nakaisip ng kalokohan. "Naks naman, Airyn. Ayie! Masyado mo naman akong pinapakilig! Ganyan mo ba talaga ako kagusto kaya ganyan ka na lang ka-concern sa akin?" pang-aasar niya sabay taas ng kanang kilay niya at kinindatan pa si Airyn.

Napahalakhak sina Chantal at Jater na nakapagpainit sa dalawang pisngi ni Airyn. Imbes na awa ang maramdaman niya ay sumiklab ang inis nito kay Kairo kaya pinaghahampas niya ito sa braso. "Puro sugat ka na nga, nakuha mo pang mang-asar, bwiset ka!"  

"Aray ko naman! Nakakasakit ka na, ah!" bulyaw ni Kairo habang sinasangga ang mga hampas ni Airyn. Makikita sa mukha niya na namimilipit siya sa sakit sa mga hampas ni Airyn.

Aamba ulit sana ng hampas si Airyn nang marinig nila ang boses ni Charlie na parang tinatawag ang pangalan ni Sendy, kaya napatingin silang lahat sa kanya. Mabilis nilang nilapitan ang kinahihigaan ni Charlie para tingnan ang kalagayan nito. Gising na ito ngunit parang wala ito sa sarili at hindi mapakali. Tuyo ang mga labi nito at mapupungay naman ang mga mata.

"What happened, Kuya? Are you okay?" aligagang tanong ni Chantal sa kuya niya.

"Bakit mo tinatawag si S-Sendy?" tanong ni Airyn na parang nag-aalangan pa itong banggitin ang pangalan ni Sendy.

He cleared his throat and began to speak. "In my dream, Selendria appeared in front of me. She is still alive and desperately needs my help to escape her situation."

Pinatong naman ni Jater ang mga kamay niya sa mga balikat ni Charlie para pakalmahin ito. "Charlie, stop it. When will you be able to move on from her? She's no longer with us, okay?" sambit ni Jater sa malumanay na boses.

Charlie directed a piercing stare at Jater, forcefully wrenching his hands away. "Jater, she's alive!" he exclaimed, filled with determination.

"Alive?" Natawa si Jater na parang hindi makapaniwala. Umatras siya nang kaunti at bumuntonghininga. "Hindi ka pa rin ba titigil d'yan sa kahibangan mo?"

Napahiyaw na lang sina Airyn at Chantal nang masaksihan ang mabilis na pagkilos ni Charlie papunta kay Jater. Marahas na hinablot niya ang damit ni Jater sabay hampas nito sa kanya sa pader na naging dahilan para magkaroon ng malaking bitak ito. Jater found himself trapped against the wall, unable to break free as Charlie's hand tightened around his neck. The sheer power emanating from Charlie's steel-covered hand was palpable as it showcased his unique ability.

Crewd Academy: Reign of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon