Chapter 6: Malus Tribe

21.2K 782 220
                                    

ʚɞ Malus Tribe ʚɞ

Halos silang lahat ay napasinghap at parang hindi alam ang gagawin. Napaupo na lang si Headmaster Locxdeil sa tabi ni Jater dahil sa pangangatog ng mga tuhod habang ang principal ay napaupo rin sa bedside sa bandang dulong paa ni Charlie.

Napatingin sila ngayon kay Charlie. Kalmado lang ito at nakapikit. Hindi nila mawari kung ano ang nasa isipan nito ngayon. Unti-unti na rin nawala ang chains sa mga kamay niya.

"Kay Airyn ko lang nasabi na nakita ko sa vision ko si Selendria, kamakailan lang. Nakita ko siya sa vision ko na humihingi ng tulong. Hindi ako sigurado kung siya ba ang nakita ngunit alam kong siya 'yon," malumanay na sambit ng principal.

Napahawak naman bigla si Charlie sa ulo niya dahil sa kirot na nararamdaman nito. "She's calling me!" sigaw bigla ni Charlie nang marinig niya ang boses ni Sendy sa isip niya.

"Kuya!" Agad na lumapit si Chantal kay Charlie para alalayan ito.

"Numerous beasts are chasing her now, and she's in the forest near the Abyss of Death. We have to find her quickly!" Agad siyang tumayo at tumakbo palabas sa kuwartong 'yon. 

Walang pumigil kay Charlie bagkus ay sumunod ang mga ito sa kanya, habang naguguluhan namang napapatingin ang mga physician sa kanila.

'Wait for me, Selendria . . . I will save you!'

ʚɞ

Riding on their respective horses, they traversed the vast forest, heading towards another forest near the Abyss of Death. The forest they were currently passing through was the same one they had journeyed through before the bloody war. This route would lead them through Tenebrae Nox Castle, once ruled by the late King Chaos. However, the castle had now transformed into a bustling market and workshop for producing various weapons under the decree of King Daryll.

Makikita naman ang determinasyon sa mga mata ni Charlie at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa tali ng kabayo, habang nangunguna sa kanila. Hindi niya iniinda man lang ang kanyang mahinang katawan.

"Jater! Tama ba 'tong ginagawa natin?!" alalang sigaw ni Airyn at hindi inaalis ang mata kay Charlie na nasa unahan.

"Wala tayong magagawa kung hindi ang sumunod. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan!" nahihirapang sagot ni Jater dahil sa bilis nang takbo ng kabayo niya, at pati na rin dahil sa ginawa ni Charlie kanina sa kanya.

Bale sina Airyn, Jater, Dara, Val, at Winzé ang sumama kay Charlie. Nagpa-iwan naman sina Kairo at Chantal dahil na rin sa kalagayan niya, habang si Chantal ang nagpresinta na alaagan muna siya. Si Kliffer ay napagdesisyunan na bumisita sa mga kaibigan niya para ibalita ang mga nangyari. Nag-aalala man ang principal at headmaster, ngunit hindi sila tumutol dahil na rin sa nagbabakasakaling buhay nga si Selendria.

As they reached Tenebrae Nox Castle, a lively sight unfolded before them. Male armorers were fully absorbed in their tasks, creating a bustling atmosphere. The resounding clinks and clatters of swords echoed through the air, adding to the vibrant ambiance of the place. The deafening sounds of other large weapons being crafted by the armorers filled the air. 

Amidst the noise of people buying weapons, the sight of their arrival caught the crowd's attention. Startled, the people instinctively lowered their heads in respect and politely stepped aside to make way for them.

What can you expect? They are 'royalties' after all.

Ngunit si Charlie ay nagpatuloy lang ang mabilis na pagpapatakbo sa kabayo, diretso lang ang tingin sa dinadaanan niya. Wala siyang pakialam kung may mataaman o anuman. Walang nagawa ang mga kasama niya kung hindi ang sumunod na lang din, at ngumiti sa mga tao sa paligid bilang pagbati.

Crewd Academy: Reign of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon