Chapter 7: He's Back

11.6K 327 53
                                    

ʚɞ He's Back ʚɞ

"Lady Arithea, patayin na ba natin 'yan?" tanong ng isang babae sa kanyang harapan sabay tumawa ang iba pang mga babae.

'Lady Arithea pala ang pangalan mo,' sambit ni Airyn sa isip niya.

Napatingin ulit siya sa puwesto kanina ni Val. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang unti-unting pinuputol ni Val ang lubid gamit ang katana. Mukhang galing ito sa kalaban nila, at wala man lang nakakapansin sa kanya. Nilibot pa ni Airyn ang mata niya, nakita niya si Jater na nakikipaglaban pa rin ngunit marami na itong natamong mga sugat. Hindi maipagkakailang malalakas ang Malus Tribe at napakarami rin!

"Hmm . . . Masyado pang maaga," natatawang sagot ni Arithea. "Puwedeng ihawin na lang natin siya?"

Humalakhak lahat sila habang si Airyn ay nanatili ang mga mata sa itaas. Tinitingnan niya si Val na malapit nang maputol ang lubid.

"Saan nga pala gawa ang mga lubid niyo?" Airyn asked out of the blue. Kinukuha niya ang atensyon ng mga babae.

Natigil naman sila sa pagtawa dahil sa tanong ni Airyn.

"Why are you curious?" Naglakad si Lady Arithea sa harapan ni Airyn habang nakataas ang isang kilay. "The Malus Tribe's feared chief, my father, skillfully crafted the ropes, which have been infused with a powerful spell to make them immune to the powers of magic. Only the weapons of our tribe are capable of successfully cutting those ropes," sambit nito na may halong pagmamayabang.

Napatango-tango si Airyn dahil namangha ito. "Mabuti naman," sagot ni Airyn at saktong nakitang naputol na ang lubid na kanina'y nakatali sa paa ni Charlie. Mukhang siya lang ang nakapansin no'n. Nakita niya rin na nagmadaling umalis si Charlie.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Lady Arithea dahil sa narinig at sumeryoso ang mukha. "Ano'ng pinagsasabi mong babae ka?" iritadong tanong nito.

Ngumisi naman si Airyn bilang tugon at pang-iinis.

Ilang sandali pa ay nagkagulo ang lahat nang marinig nila ang mga nakatatakot na hiyawan. Napalingon ang bawat mga tao roon at nakita na nasusunog na ang mga paligid. Hindi magkamayaw sa pagtakbo ang lahat.

Gulong-gulo naman si Lady Arithea habang kunot ang noo. Hindi niya naiintindihan maging ang mga kasama niya, kung bakit nagkakagulo ang lahat. "Ano'ng nangyayari?! Nasaan si ama?!" tanong niya sa mga kasama niya ngunit walang nakasagot.

May dalawa naming lalaki ang humahangos papalapit sa kanila. "Pinatatawag na po kayo ni Chief Azaki! Kailangan na po natin umalis dito!" sambit ng isa. Hindi sila mapakali.

"Ano?! Bakit naman?!" nanlalaking-mata na tanong ni Lady Arithea.

"Ang isang kasama nila ay sinusunog ang bawat lugar!" sagot ng isa pang lalaki sabay turo kay Airyn. "Walang makapigil sa kanya!"

Airyn's eyes widened in surprise upon hearing the news. It was not what she had expected to hear. She could also feel her strength waning from exhaustion and excessive use of magic. However, she couldn't help but worry about Charlie, who was already exerting all his magic and energy, especially considering his frail condition.

Nagkagulo na ang lahat at nag-uunahan sa pagtakbo paalis sa kagubatang iyon. Hindi naman malaman ni Lady Arithea ang gagawin niya at nagpabalik-balik sa paglalakad. Napalingon pa ito kay Airyn ngunit wala itong nagawa kung hindi ang iwan ito at sumama sa mga lalaki na pilit na hinihila siya.

Naiwan mag-isa roon si Airyn. Puro usok ang naamoy niya at sumisikip na rin ang dibdib niya. Nilibot niya ang paningin niya, hindi na malinaw ang paningin nito, dagdag pa ang usok sa paligid. Puro apoy na ang paligid, ngunit nakita niya na pilit inaapula ni Jater ang apoy sa abot nang makakaya niya. Biglang napahandusay si Airyn dahil sa panghihina at hindi na makatayo pa. Nakita niya pang tumatakbo si Val papalapit sa kanya. Subalit hindi nakatakas sa paningin niya ang babaeng nasa gilid ng puno na nakatingin sa kanya. Pamilyar na pamilyar ang mukha nito at may suot na pulang cloak.

Crewd Academy: Reign of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon