CHAPTER 4

6 0 0
                                    

"Halika na hija, sasamahan kita sa kwarto mo" the old lady smiled at me.

Tahimik akong sumunod sakaniya papunta sa kwartong tinutukoy niya.

Hindi ako manhid. Alam kong may mali. Bakit ako nandito?  Unang-una palang alam ko ng may mali eh. Yung pagtanggap palang niya sa akin sa kumpany niya ay mali na, yung pagkakaalam niya sa tinitirahan ko at ngayon pinapatuloy pa ako sa bahay niya! 

Hindi ko lang mawari bakit niya ginagawa to. Hindi ko siya kilala. Aalamin ko ang pakay niya. Pero sa ngayon ay kailangan ko muna sumunod. Baka kasi hindi maganda ang mangyari kapag nagpadalos-dalos pa ako.

Tumigil ang matanda sa isang kulay kahel na pinto. Unti unti niya itong binuksan at muli, nalaglag ang panga ko! 

Ang laki! 

Well what did I expect? The house was huge, ano pa kaya ang mga kwarto?

The whole room was painted in white, napakalinis tignan. The bed was a queen size bed and I can see two doors inside. I think one is the bathroom and one is the closet.

May TV din akong nakikita sa harapan at isang couch sa gilid ng kama. May study table din sa gilid na napakagandang tignan.

Shet, kwarto ko ba talaga 'to?

"Dadalhan nalang kita ng damit dito hija. Magpahinga ka muna" The old lady told me.

"Salamat po ng marami manang" I told her politely.

She just smiled at me and closed the door. Pagkasara ng pintuan ay nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. Ang ganda talaga!

Binuksan ko ang isang pintuan sa loob at tumambad sa akin ang banyo, may tub! Hindi pa ako nakakagamit nito kahit kailan! tabo at planggana lang kasi ang mayroon kami.

Bababad ako dito mamaya!  Kaso paano ba gumamit ng ganito?  Paano ba napupuno ang tubig dito?  Tsaka nakikita ko sa mga pelikula na may mga bula pa ang tubig. Manonood nalang ako ng tutorial mamaya sa youtube. Natawa ako.

Sunod ko namang binuksan ang huling pintuan at tama nga akong walk in closet ito. Napakalaki!
Kaunti lang naman ang mga damit ko, wala naman akong mga kolesiyon na mailalagay dito. 

Ng matapos kong libutin ang loob ng kwarto ay humiga na ako sa aking kama. Ang lambot! Ang sarap matulog! 

Hindi ko namalayan nakatulog ako. Nagising na lamang ako sa maninang katok sa pintuan.

"Hija, kakain na kayo ni Darius. Halika na bumaba kana." I heard Manang's voice.

"Ay opo Manang, bababa na po, sorry nakaidlip ako."

Dali dali akong nagsipilyo at naghilamos.  May nakita akong mga damit sa gilid ng aking kama, marahil ito ang dami na ipapahiram sa aking ni Manang. 

Pumasok ako sa banyo at sinuot ito. Isa itong pajama at pink tshirt. Saktong sakto lang naman ito sa akin.

Bumaba na ako sa dinning area. Buti nalang hindi ako naligaw. Pagbaba ko nakita ko si Dariud na nakaupo sa kabisera. May kinakalikot sa kaniyang telepono.

Nang makita niya ako pababa ay binitawan niya ito at tumingin sa akin.

"Sit" he ordered me.

Umikot ang aking mga mata. Uupo talaga ako!  Kakain na diba?

I sat on the end of the table. Mahaba kasi ang table na ito, I think kasya ang 12-16 people here. 

I heard him hissed.
"Sit here"
His eyes then landed on the chair beside him.

The Second Time Around.Where stories live. Discover now