CHAPTER 1

55 2 2
                                    

" Potangina ka talagang babae ka noh? Ano wala kang balak mag bayad ng renta? Tangina lumayas ka na dito Aviana! Kapag nakita pa kita dito bukas ng umaga kakaladkarin ko palabas lahat ng gamit mo!"

Tahimik lang ako sa pakikinig ng galit sa akin ng landlady dito sa maliit na kwartong inuupahan ko.

Nang makalabas na siya malalim akong nagbuntong hininga at ngumiti.

Kakayanin mo to Aviana. Desisyon mo to, panindigan mo.

Noong tumuntong kasi ako ng college ay bumukod ako sa aking pamilya. Lingid sa kaalaman nila na noong High School ako ay nag papart time ako para makapag ipon, dahil planado ko na dati pa na pag tungtong ko ng kolehiyo ay aalis ako at bubukod. Gusto ko na kasi lumaya. Sakal na sakal na ako sa bahay na iyon at alam kong hindi nila ako hahayaang bumukod, pero kung sarili kong pera naman ang gagamitin ko alam kong wala silang magagawa kaya heto naka alis ako.

Pero unti unti ng nauubos yung ipon ko at wala pa akong nahahanap na trabaho. Hindi muna ako nag enroll para sa 1st college kasi hindi parin ako nakakahanap ng trabaho. Paano kung talagang wala akong nahanap na trabaho? Paano ko babayaran ang tuition ko?

Umupo ako sa maliit na kahoy na upuan sa loob ng kwarto ko at umiling iling. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho agad agad.

Binuksan ko ang aking cell phone at nagbrowse ng mga job openings ngayon. Napakadami ko ng inaaplayan pero puro lang sila "We will call you again for the update" pero wala akong natatanggap! Nag submit ako ulit ng aking application. Hindi ako
mapapagod na maghanap ng trabaho. Alam kong makakahanap din ako.

Pagkatapos kong mapagod kakaapply, naisipan kong pumunta ng Mall at kumain sa KFC, kapag ganitong stress kasi ako ay gusto kong ireward ang aking sarili ng kahit ano. Ayoko kasi na mapagod ako at sa paraan na ito ay para bang kahit mahirap ang buhay ay may magaganda parin na mangyayari sa buhay ko. Tulad ng kumain ng masasarap na pagkain.

Naligo ako agad at nagbihis ng damit. Ang napili kong suotin ay isang black leggings at isang black na may konting white printed na oversized shirt na hanggang balakang ko lang.

Pagkatapos kong icheck lahat ng kuryente at ilock ang pintuan, naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep papuntang MOA.

Pagdating ko sa MOA, I took my time to look over everything I see in the glass door of different shops. Window Shopping ika nga nila.

Nang mapagod ako magikot ikot at tumingin sa mga Shops at wala namang binili, napag pasyahan ko ng pumunta sa KFC at kumain.

Pag dating ko roon ay pumila ako agad sa cashier. Medyo maraming tao ngayon at mahaba ang pila dahil Sunday ngayon.

Habang nakapila ako ay hindi ko maiwasan mapansin ang tila bulong bulungan ng mga tao sa paligid. Sinundan ko kung saan nakatingin ang halos lahat ng tao at napatingin ako sa likod ko.

I saw this guy. Wearing his American suit and in the back of him is I think his driver? May mga bitbit kasing mga shopping bags galing sa iba't ibang brands.

Kaya naman pala kung makalingon tong mga to ay parang mababalian na ng leeg.

The guy was tall. I think he is a 6 footer. Maganda din ang katawan. Hindi sobrang laki at hindi rin sobrang payat. I can see his shaped muscles from his tight suit.

Tangina gwapo!

Kung sinuswerte ka nga naman, ngayon pa ako nakakita ng gwapo! Atleast may magandang nangyari sakin ngayon araw!

Tumalikod na ako at hinintay na makaorder. Ramdam ko na nasa likod ko siya dahil ako lang naman ang nasa pinakadulo ng pila.

His presence is intimidating. Hindi ako mapakali. I feel his presence very warm behind me. I just ignored the feeling and looked straight ahead.

The Second Time Around.Where stories live. Discover now