CHAPTER 5

5 0 0
                                    

While we are on the way to the office, nagtatalo ang utak ko kung tatanungin ko na naman ba siya about sa ginawa niya. Alam ko naman kasing walang kwenta isasagot niya!

At the end naisipan ko nalang siya taungin.

"Babayaran ko po kayo pag nakuha ko na sweldo ko Sir." I said politely.

He then looked at me for a second, Then looked straight ahead again.
Akala ko hindi na naman siya sasagot.

"No need." His voice being very bold.

Napanguso ako sa kaniyang sagot. Ayoko na makipag-tao, basta bibigay ko sakaniya yun kapag sweldo na!

Nang makarating kami sa office ay bumaba na ako sa sasakyan. Naunang bumaba sa akin si Sir at nagdire-diretso papasok sa loob.

Pagpasok ko nakita ko si Nathan na nakaabang.

"Good Morning Avi! Can I call you Avi? Haba ng Aviana eh." He asked me while putting him arm behind his head.

"Ah, oo naman!" I answered enthusiastically.

"Okay Avi, so it's day 2 of our training, let's go?" He then gestured his hand to the elevator.

I smiled at him and we went to the elevator to the training floor.

Pagdating namin doon ay nagsimula agad si Nathan sa pageexplain sa akin ng aking mga gawain bilang sekretarya.

Magkaharap kami ni Nathan sa Swivel Chair ng makarinig kami ng malakas na pagbagsak!

Pag tingin ko sa pinanggalingan ng tunog ay nakita ko si Sir Darius na may dala dalang mga papel. Yun pala ang binagsak niya!

"Revise this all Nathan, and you Ms. Dela Cruz, come with me." His eyes was very deep and expressive.

Iniwan niya kami agad agad pagkatapos ng kaniyang sinabi. Nagpaalam ako kaagad kay Nathan na susundan na ang aming Boss.

Nakasabay ko pa siya sa Elevator. Pinindot niya ang 60th floor at habang nasa elevator ay hindi ko mapigilan na mailang. Napakatahimik at ramdam na ramdam ko ang bigat ng paghinga niya.

Problema nito?!

Nang sa wakas at bumukas na ang elevator ay nauna siya ulit lumabas. Sinundan ko na lamang siya papasok ng kaniyang opisina.

"Do you need anything Sir" I asked.

"From now on, I will be training you for your position."

Nalaglag na naman ang panga ko.
CEO? Ang magtatrain? Huh?

"P-po? Bakit po?" I asked confused.

He just hissed at me and looked down his papers.

Nakatayo lang ako sa kaniyang harapan gulong gulo.

Paano niya ako itatrain? Hindi ba may trabaho din sya? Tsaka kaya nga ako naging secretary para pagsilbihan siya!

He noticed I was just standing there, he looked up at me.

"What do you want? Am I not clear? I don't like repeating what I said." He said annoyed.

Medyo nagulat ako doon kaya napatango na lamang ako. Lumabas na ako ng kaniyang opisina at napasandal sa pintuan.

Jusko ano na naman to! Sumasakit ulo ko sakaniya!

Biglang bumukas ang pintuan sa likuran ko kaya napasubsob ako patalikod!

Sa sobrang taranta ko at kagustuhang hindi madapa ay kumapit ako sa ibang bagay!

Tangina ano tong kinakapitan ko? Bakit ang tigas?

The Second Time Around.Where stories live. Discover now