Chapter 7

102 31 4
                                    

Meet The Cousins


"Oh look who's here. Grabe Anton ikaw ba yan? Halos hindi na kita makilala ah"



Bungad samin nung lalaking naka shades na mukhang play boy. Baka ito na yung mga pinsan ni Anton na binanggit kanina ni sir.



"Tss. Upo muna kayo jan. Kukuha lang ako ng makakain natin" si Anton.




"Wait there Anton the great, hindi mo ba kami ipakikilala jan sa magandang binibining nasa likuran mo?"



Tanong ng naka white polo shirt na lalaki na hula ko siya ang pinaka matanda sa kanilang lima. Tamad namang bumaling si Anton sakin saka ako pinakilala sa mga bisita niya isa isa.



"Ah yeah Yana, ito si Franco pinakabunso sa ming lima." pakilala ni Anton doon sa mukhang pinakabata sa kanila.



"Hi I'm Franco, nice to meet you"



"Ito naman si Francis. Kakambal niya si Franco."



Kaya pala magkamukhang magkamukha sila.



"Ah hello"



"Hi, what's your name again?" tanong sakin nong lalaking ipinakilala ni Anton na Francis ang pangalan.



"Areillana, call me Yana instead."



"Such a-" agad pinutol ni Anton ang dapat na sasabihin ni Francis.



"And ito naman si Harvey at si Vince. Yana meet my cousins" pagtatapos ni Anton sabay pakilala sakin doon sa dalawang natitirang lalaki.



"Nice to meet you Yana" si Harvey.



"Uh hi. Nice to meet you too!" nahihiya kong tugon sa kanya.



"Hi Yana" si Vince



"Ah, hello!"



Nagpasya na silang si Anton na iwan muna kami sandali para kumuha ng makakain namin at sinamahan naman siya nila Francis at Vince, kaya ang ending naiwan kaming tatlo nila Franco at Harvey sa iisang lamesa.



Ewan ko pero sa dating pa lang nila parang ang dami na nilang naging girlfriend o babae. Hindi naman sa judgemental ako, yun naman kasi ang itchura nila basi sa kilatis ko.



"So Yana. What are you doing here?" putol ni Franco sa katahimikan. Nahihiya mang bumaling sa kanya pero sinagot ko pa rin siya.




"N-Nag tatrabaho ako dito. Actually kakapasok ko pa lang and sabi daw nong dad ni Anton ay pwede na daw ako magsimulang magtrabaho bukas. Kaya ko lang naman kasama si A-Anton kanina, kasi, kasi pinasama siya ng dad niya sakin para daw malibot ko tong resto nila." dire diretso kong sabi sa kanya na ikinatawa niya lang naman.



"Bat ang dami mong sinasabi, eh isa lang naman ang tanong ko"



"S-Sorry nabigla lang a-ako" napapahiyang tugon ko.



"Ano ka ba Yana, it's ok and isa pa parang masaya kang kasama. Paano mo pala nakilala ang pinsan naming si Anton?"



Biglang sabat ni Harvey sa usapan namin ni Francis. Bumuntong hininga muna ako at tsaka inalala yung mga nakaraan kung paano ko nakilala si Anton tsaka sumagot sa kanya.



"Sa school, and natulak niya ako non sa may putikan at hindi lang yun. Pinahiya niya din ako sa maraming tao. Napaka bastos talaga niyang pinsan niyo. Sarap sapakin ng paulit ulit. Pasalamat siya mabait akong diyosa!" mahabang paliwanang ko na nagpahagalpak ng tawa nila Harvey.



I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED Where stories live. Discover now