Special Chapter

71 11 0
                                    

"Hoy, gago san kana? Kanina pa kami naghihintay sayo dito!" bungad ko kay Cris nong sinagot niya ang tawag ko.


"Malapit na kami ate-"


"Dalian mong pucha ka! Ano ka, presidente ng pilipinas na pwedi naming hintayin kahit ano mang oras?"


"Umagang umaga ate high blood kana naman! Sige na ibaba ko nato, bye."


"Tangina-" hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin sakanya nong bigla niyang binaba ang linya. Sa iritasyon ko'y napahilot ako ng wala sa oras sa may sentido ko.


Potangina mo talaga kahit kailan Cristopher!


"Relax lang love, you're getting so frustrated with your brother. Hayaan na natin siya, ok? Darating din yun." Anton assured me but instead to be glad about what he said, I just ignore him.


"Someone's having a bad mood, huh?" he murmured.


"Pwedi ba Anton? Tumahimik ka nga! Nanggigigil pa nga ako sa kapatid ko dumagdag ka pang hudas ka."


"Come on love just relax, ok?"


"Oh, eh, pano nga 'ko marerelax ngayon ha? Sabihin mo nga sakin Anton? Pano ako marerelax eh ilang minuto na tayong naghihintay rito tapos wala pa rito ang magaling kong kapatid! Eh, kung mapag-iwanan tayo ng eroplano may magagawa ka ba dun?!" mahabang litanya ko but instead tumawa lang siya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.


Ay, ewan ko sayo Anthony! Tangina mo!


"Tangina mo, hindi tayo bati!" I said sabay walk out papasok sa may van.


Para tuluyang mawala ang init sa ulo ko ay tinawagan ko na lang si papa trough vedio call. Hindi na namin dinala ang mga bata dahil baka kung anong mangyari sakanila dun kaya mas mabuting si papa na lang ang magbantay sakanila kaysa isama namin sila sa byahing ito.


"Oh, anak? Bakit, may nangyari ba jan?" tanong ni papa nong sinagot na niya ang tawag ko. I heaved a sigh at tsaka umiling kay papa "Wala po, nasan po ang mga bata pa?" I asked when I notice na wala sa tabi ni papa ang mga anak ko.


"Teka lang itatapat ko lang sakanila ang camera—mga apo! Yung mama niyo nasa vedio call hinahanap kayo, hali kayo mga apo."


"Mama!..." sabay sabay na tawag nila sa akin. Agad naman akong napangiti dahil kahit sa screen man lang, ang ku-cute ng mga anak ko tignan.


"Hindi niyo ba pinapahirapan ang lolo nyo? Baka kung ano ng pinaggagawa niyo jan, ah. Lagot talaga kayo sakin pag uwi ko jan."


"Mama, nagpapakabait naman po kami kay lolo. Hindi naman po kami naging pasaway sakanya. Diba?" saad ni Nica sabay baling sa dalawang kapatid niyang inosente.


"Good. Nica, Xander, Abi. Magpakabait talaga kayo jan. Habang wala kami ng papa niyo, understood? 'Wag maging pasaway."

I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED Where stories live. Discover now