Chapter 23

68 20 4
                                    

New Life




After six years and I must say that ang lahat ng mga bagay na iniingatan ko ay unti unting nagbabago. Masaya ako dahil nakalaya na si papa at huminge siya ng tawad sa mga pinagsasabi niya sakin noon pero wala akong kaalam alam kung sinong nagpyansa at nagpalaya sa kanya.





Pinagpatuloy ko ang pag aaral ko pero hindi na law ang kinuha kong kurso kundi General Education. Magkatrabaho din kami ni Daisy sa iisang kompanya kaya magkasama kami. Tuwang tuwa pa nga siya nong malaman niyang magkakasama na kami.






Si Cris naman ay nasa college na at tinatake niya ang kursong doctor dahil gusto daw niya ang trabahong yun. Minsan dinadalaw namin si mama sa puntod niya kung may free time kaming magkakapatid.






But naging mas masaya lang ako nong inuluwal ko ang maganda at kaisa isang anak ko dito sa mundo. Yun ang malaking regalo na natanggap ko galing sa panginoon sa kabila ng mga nagyari sakin.





"Hindi nga kasi ganyan ang pose mo Yana! Ibahin mo kasi, ano ba naman yan!"






Suway ni Daisy sakin, pano kanina pa kami dito sa studio halos kalahating oras na kaming narito pero hanggang ngayon hindi pa din kami matapos tapos ng dahil sa kapalpakan ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinoun ulit kung ano man ang dapat kong gawin.






"Sorry na, ito na magfofocus na hindi na mauulit.."








"Bilisan mo na jan dahil mag gagabi na baka pagalitan tayo parehas ng parents natin"







Tumango na lang ako sa kanya at bumalik naman siya sa pwesto niya kung saan niya ako kukuhanan ng litrato.







Kaya kami nandito sa studio kasi may gagawin kaming project or should I say presentation. Dahil nag deklara ang lentik naming maam na gumawa kami ng kaik-ikan daw para may silbe daw kami sa kompanya.







Hindi nga namin alam kung bat nagpatawag siya ng meeting kanina, nagulat nga kami ni Daisy dahil may bago na naman kaming gagawin na presentation.







"Ok one last pose na lang-Ok alright. And that's it we're done! Nagawa mo rin sa wakas, napakadali lang ng pinapagawa ko sayo tapos-"




"Daisy sorry na ok? Na distract lang talaga ako kanina, sorry na." paghingi ko ng paumanhin sa kanya habang inisa-isa kong nilagay ang ibang gamit ko sa aking bag.



"Alam ko na"



"Anong alam mo na?"



"Hindi ano, kundi sino!" kumunot ang noo ko dahil sa paratang niya.




"Huh? What do you mean?"




She sighed at napairap dahil sa naitanong ko sa kanya mas lalo tuloy akong naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.





"Come on Yana hindi mo ako maloloko, I'm not your best friend for nothing! Siya na naman ba ang iniisip mo?"





Natigilan ako dahil sa biglaan niyang pagtanong sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maamin sa sarili ko kung mahal ko pa ba siya o masyado lang akong nabulag dahil sa sakit na ginawa niya sa akin noon.







"Daisy matagal ko na siyang kinalimutan burado na siya sa isip ko, and besides it's been 6 year's since he left me ok? Naka move on nako!"






I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED Where stories live. Discover now