Chapter 8

100 30 2
                                    

Sundo


"Hey Yana, finally you came"



Nagulat ako dahil nakatayo si Francis sa labas ng room namin. Anong pakay neto sa akin at talagang pinuntahan niya pako ah, ibang klase din tong pinsan ni Anton, lakas ng amats. Doon lang ako bumalik sa realidad sa pag iisip ko ng tawagin ako ni Daisy.



"Hoy girl, ano na? Nganga ka no?"



"H-Huh? Anong pinagsasabi mo jan? A-Anong nganga? Gaga!" singhal ko sa kanya dahilan ng pagkatawa niya, tsaka lang ako bumaling kay Francis.



"Ginagawa mo dito?"



"I just want to see you, that's all.." maikling pahayag niya.



"Pinuntahan mo lang ako para jan? Lakas ng topak mo"



"What?"



"Wattatops! Hindi ka lang gwapo bingi pa!" bulyaw ko sa kanya. Nakita ko naman na tumawa lang siya dahil sa sinabi ko.



"Anyways, I gotta go. See around Yana.."



Sabay kindat niya at alis sa classroom namin. Napapailing na lang akong pumasok sa room dahil sa pinaggagawa niya. Umupo nako't lahat lahat tumitili pa rin si Daisy na parang tanga.



"Yiee girl! Grabe ka ah! Bakit hindi moko ininform na may kilala ka pa lang ganon ka gwapo na nilalang! Isa kang taksil! Fake friend!"



"Napaka ano mo! Hindi lang nagsabi fake friend agad?! Jusko ka, amen sayo! Pwede ba Daisy tigil tigilan moko jan sa kaartehan mo. Wala ako sa mood ngayon. Tsaka kakakilala ko lang non kahapon, ok? Happy?" mahabang sabi ko.



"Che! Pekeng kaibigan ka pa din!"



Pagmamaktol niya dahilan ng pagkangiwi ko. Hindi din nagtagal ay may pumasok na ding teacher namin kaya agad ding nagsimula ang klase namin. Apat na subject ang natapos bago kami nag lunch break dahil hindi kami binigyan ng break kanina sa recess because of that letcheng exam na yan at kailangan daw naming magreview!



"Grabe nangalay ako dun ah, God! It's so devastating!" sabay tiyad ni Daisy.



"Sinabi mo pa. Nakakaloka ang exam's nato. Pag ako hindi nakapasa sa exam's bukas, magdadabog talaga ako!"



"True ako rin! Tara canteen tayo nagutom ako eh" pagyaya ni Daisy at wala naman akong nagawa kundi ang pumunta na lang sa may canteen dahil hindi ko na kasi matiis ang gutom. Bakit naman kasi ang haba haba ng oras kanina, hindi uso sa kanila ang salitang break time!



Nang makarating na kami sa canteen ay agad kaming pumila at pagkatapos non ay umorder na kami ng makakain namin tsaka kami naghanap ng table pero laking gulat ko nang may biglang tumawag sakin.



"Hey Yana! Over here! Halika kayo dito!"



Letcheng Francis to ah ayaw talaga ako tigilan!



"Hindi na a-ayos lang kami dito, sige" sabi ko tsaka hinila si Daisy at nang makahanap na kami ng table inilapag na namin ang mga pagkain namin sa lamesa.



"Hindi ka talaga tinitigalan non ah, grabe ka Yana, ano bang secret prayer mo at may naghahabol sayong ganon ka gwapo? Iba kana teh!"



Sumimangot na lang ako sa pinagsasabi ni Daisy sabay nilantakan ang pagkain ko. Bahala siya kung anong isipin niya basta wala akong paki sa mokong na yun, wala pa akong oras sa mga ganyang bagay.



The hell I won't!



Lumipas ang ilang oras ay bumalik na kami sa classroom namin dahil ayokong malate sa klase. Nagrereklamo nga si Daisy kasi bakit daw panay madali ako. Nagsimula na ang klase namin at as usual matagal kaming pinauwi ng panghuling subject teacher namin. Hindi na'ko nakasabay kay Cris kasi susunduin niya si mama sa hospital dahil ngayong araw ang labas niya-salamat na rin sa mga tumulong samin at naoperahan na din sa wakas si mama, at ngayong araw din ako magsisimulang mag trabaho.



Sumakay ako ng jeep papuntang restaurant nila Anton at ng makarating na ako don ay medjo wala pa naman yatang mga costumer-konti pa sila at hindi pa gaano ka dami, baka mamaya dadami na'to. Nagbihis na ako ng uniform at pumunta sa may counter kasi doon ako inassign ng dad ni Anton.



Lumipas ang ilang oras at gaya nga ng sinabi ko ay dumami ang mga costumers dahilan ng pagkabusy ko or should I say dahilan ng pagkabusy namin. Wala akong ibang ginawa kundi ang gawin ang tungkulin ko hanggang sa biglang lumapit si Mari sakin at kinalabit ako.



"Yana, yung phone mo kanina pa tumutunog. Baka may tumatawag sayo, ako na muna jan sagutin mo muna yun"



"Ganon ba? Sige, salamat Mari. Maiwan na muna kita, sagutin ko lang muna yun"



"Oo, no problem."



Iniwan ko na si Mari don at pumuta sa bag ko. Kinuha ko ang cellphone at pangalan ni Cris ang rumehistro dito. "20 missed calls? Grabe naman ata tong ungas nato. Sana lahat may load" bulong ko saka sinagot ang tawag nong tumunog ulit ang cellphone ko.



"Oh, napatawag ka?"



"Ate! Nakauwi na kami. Gusto ka daw kausapin ni mama.."



"Mabuti naman, sige ibigay mo kay mama kakausapin ko din siya" utos ko kay Cris. Ilang segundo din ay ibinigay din ni Cris ang kanyang cellphone kay mama.



"Yana, anak.."



"Mama! How's your feeling ma?"



"Ok na ako anak. Kasalukuyan pa din akong nagpapagaling. Ikaw anak, kumusta kana? Anong oras ka uuwi? Gusto na kitang makita"



Gusto kong umiyak dahil narinig ko na din sa wakas ang boses ni mama pero pinigilan ko na lang ito dahil ayokong marinig ni mama na umiiyak ako "A-Ayos lang naman po, gagabihin po ako sa pag uwi mamaya eh, mukhang matatagalan po ako dito ma. Sige na po ibaba ko na po tong c-cellphone ko kasi marami pa akong gagawin" sabi ko at narinig ko naman sa kabilang linya ang buntong hininga ni mama.



"Sige anak magiingat ka.."



Ibinaba ko na ang linya sabay pasok sa loob ng bag ko ang cellphone. At bumalik na sa pagtratrabaho. Nangangalay na ako sa kakatayo dito, gusto ko ng umuwi! Pero hindi pwede kasi kailangan ko ng pera para sa pamilya ko. Lumipas ang ilang oras at natapos na din ang trabaho namin. Pasado alas diyes na nang magsarado na kami ng restaurant.



"Yana, uuwi kana?" tanong ni Jomar na katrabaho ko rin.



"Oo eh naghihintay kasi sila mama sakin."



"Sayang naman magcecelebrate sana kami sa birthday ni Erica. Sama kana samin Yana!" pagpupumilit ni Mari sakin. Umiling na lang ako sa kanya sabay ngiti.


"Hindi talaga pwedi eh, happy birthday nga pala sayo Erica. Sige na mauuna na ako sa inyo baka gabihin pa ako lalo."



"Sige, basta sa susunod sasama kana samin Yana ah! Mag iingat ka sa pag uwi mo!"



Kumaway na ako sa kanila at nag kanya-kanya na kami ng daan papauwi. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad para tumawid pero laking gulat ko na bumungad sakin ang dalawang magpipinsan na nakasandal sa kani kanilang mga mamahaling kotse.



"What the? Anong ginagawa nila rito?" I whispered.



---
Copyright © FlawlessBabyRose

I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED Where stories live. Discover now