Chapter 4

247 4 0
                                    

Lezdrick POV

Hindi pa din ako makapaniwala, ganun lang yun? Samantalang, ma-late lang ako ng 2 minutes, nag-aalburuto na ang madam na yan, tsk. May favoritism! Tumingin ako kay esma, nagsusulat na siya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin kay charina na nagma-make up at least na mag-sulat, ano kayang kailangan sa kaniya ni esma?

"Bro, tama na ang spacing out. Mag-sulat ka na" bulong ni kevin, napa-irap na lamang ako at nag-sulat na.

"Class, tumigil muna kayo sa pagsu-sulat" napatingin kami kay miss, nagpa-paypay siya habang sinasabi yun. Ano na namang trip ng matandang ito? "Magkakaroon tayo ng sitting arrangement" what? Ayoko nun! Ayos na ako dito sa harap! Atsaka, ayokong may ibang katabi. "Tumayo kayo at pumunta sa likod, idala niyo na din ang bag niyo" wala kaming nagawa kundi sundin siya. May araw din ang matandang ito.

Pumunta kami sa likod at tumayo doon, nabangga ko pa si charina na agad namang humawak sa braso ko. Ang malanding ito talaga, inalis ko agad ang kamay niyang naka-hawak sa braso ko. What a bitch!

"Oh, come on drick. I know you like it too" inis akong tumingin sa kaniya.

"Stop, you're just stupid!" Sa lahat ng babae siya lang ang ayaw ko! Ang linta sobra! Tumingin ako kay esma, nakatingin na siya sakin. Naalala ko ang napag-usapan namin, hays. Kung hindi lang dahil sa mata niya, hindi ko gagawin ito.

Tumingin ako sa linta, nagpapa-cute ito sakin. Ngumiti na lang ako ng alinlangan, kung ano mang kailangan niya dito sa babaeng ito dapat malaman ko rin para naman hindi ako tanga dito na hindi alam ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito.

Nagsimula na si miss sa pagta-tawag, isa pa itong madam na ito, tsk. Hays, ang daming sabagal sa mundo.

"Antonio, dito ka sa harap" turo ni ma'am sa unahan, lumakad naman si clyde papunta sa upuan niya din lang kanina. May tinawag pang ibang apelyedo si miss, hindi ko na lang papansinin dahil hindi pa naman ako. "Miss De Sanchez, dito ka sa tabi ng bintana" lumakad naman papunta doon si esma, napangiti naman ako. Siya makakatabi ko eh, hehe. "Mr. Falcon Ford, tumabi ka kay miss De Sanchez" nakangiti naman akong umupo sa tabi ni esma, ngumiti din naman siya sakin.

Hindi ko na pina-kinggan pa ang iba dahil wala naman akong paki sa kanila, nagpa-tuloy sa pagsu-sulat si esma.

"Nakita ko ang ginawa mo kanina" sabi niya habang nagsusulat, nagkibit balikat naman ako.

"Well, ginagawa ko lang ang sinasabi mo"

"Salamat, ah"

"Tsk, may kapalit kaya ito" kumunot noo naman siya, ang cute niya talaga.

"Huh? Ano naman?"

"Ako lagi ang maghahatid sayo pauwi" pati ako nagulat sa sinabi ko, what a damn, drick! What are you saying? Ngumiti siya at tumango na lang sakin.

Nag-sulat na lang ako baka may masabi na naman ako, mahirap na. Tumingin ako kay clyde, nakangisi ito sakin. Problema naman nito? Nginuso niya si esma at ako naman ang napangisi.

---

"Hey, sab" nakangiting bati ni kevin kay sabrina, umupo kami at tinignan ang ginagawa niya. Nandidito kami sa kalesa set, dito naman kasi talaga ang tambayan namin. Bukod kasi sa mahangin, tahimik pa dito.

"Hi guys, hi drick" ngumiti ako sa kaniya habang sumisipsip sa straw ng bear brand'ng inumin.

"What's that?" Tanong ni clyde, ang sipag talaga ng crush ko, hehe.

"This? This is my project. Kailangan na kasing ipass ngayon kaya nagru-rush ako"

"Ahem, ano ba kasing ginawa mo kahapon?" Tanong ni kevin, ang sarap nitong sipain.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon