Chapter 6

184 3 0
                                    

Lezdrick POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit ko nilapitan si esma kanina, kita ko na ngang kausap niya si jacob. Pero naiinis kasi akong makitang may kasama siyang iba.

Tinignan ko siya, nakikinig siya kay miss pero bakit ganun at least na makinig din ako lumilipad ang isip ko.

"May problema ba?" Tanong niya habang nakatingin pa din kay miss, umiling ako. Ano ba drick. Focus, okay? Focus.

"Class, ipass niyo na ang USB research niyo" tumayo rin ako para ipass ang research namin ni ria. "Sinong ka-partner mo, Mr. Falcon Ford?"

"Si Miss Jez po, miss" tumango naman siya kaya umalis na ako sa harap niya pagkatapos kong ibigay ang USB. Bumalik na ulit ako sa upuan ko at nakita kong napa-tungo si esma. "Problem?" Nag-angat siya ng tingin sakin.

"Wala naman. Kailangan ko lang sigurong humabol sa klase"

"Well, your right. Kung gusto mo tulungan kitang humabol?"

"May binigay ng previous reviewer sakin pero hindi ko pa din maintindihan kaya sa tingin ko, kailangan ko nga ng tulong mo" ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.

"Miss De Sanchez, ikaw lang ang walang research" sambit ni miss. "Kailangan mong mag-pass sakin ng USB research sa thursday. Class, sinong gustong tumulong sa kaniya?" Nag-taas agad ako ng kamay. "Oh, Mr. Falcon Ford, ikaw na ang tumulong kay Miss De Sanchez dahil paniguradong hindi niya kakayanin dahil nag-aadjust pa siya sa klase natin"

"Yes miss"

"Okay class, dismissed" tumayo na ang iba ngunit hindi pa din ako tumatayo. Uwian na at kailangan ko na namang dumeretso sa practice.

"May practice ako, baka hindi na kita mahatid" sabi ko kay esma, ngumiti naman siya sakin. Bakit ba ang hilig niyang ngumiti? Hindi niya ba alam na sobra akong nagagandahan sa tuwing ngingiti siya o kaya kapag tumatawa siya?

"Okay lang. May meeting rin kasi ako sa field, eh"

"Kung ganun, anong oras matatapos ang meeting niyo? Malay mo tapos na rin ang practice namin at baka mahatid pa kita"

"Hindi ko alam, eh. Ngayon pa lang kasi ako aattend"

"Kung ganun, daanan na lang kita sa field pagkatapos ng practice namin at kapag kayo ang maagang natapos punta ka na lang sa social hall." tumango lang siya sakin.

"Drick, let's go" atat talaga itong si dase, masyadong excited.

Lumabas na rin ako sa room at sumunod sa tatlo na nauuna na. Hindi manlang mag-hintay, tsk. Dance ang pinili namin ni kevin at dase, samantalang basketball naman ang pinili ni clyde. Masyado na atah siyang naadik sa bola kaya ayaw na niyang lumipat ng ibang sports. Dati kaming varsity ng basketball pero nagsawa na kaming tatlo kaya lumipat kami sa dancing. Kada taon lumilipat kami ng sports, syempre para naman maranasan din namin ang ibang sports hindi kami yung nag-sstand ng isang sports lang.

Pagkadating namin sa social hall, nandodoon na ang iba. Dumeretso naman na si clyde sa court para mag-practice. Nilapag ko ang bag ko sa gilid at kumuha ng pamalit, magbibihis muna ako dahil hindi naman pwedeng ipang-sayaw ang uniform ko. Baka madumihan lang dahil hihiga-higa kami sa sahig.

Pagkatapos kong mag-bihis, tinawag ko na ang lahat. Ready na silang lahat kaya nagsimula na akong magpakilala kahit kilala naman na nila ako. Tinawag ko din ang bawat isa para magpa-kilala.

"I'm Rhiana Jessy Jez, but you can call me ria"

"Hi, I'm Halley Icy Marquez, and you can call me halley for short, hehe"

"I'm Raven Leon Yu"

"Guys, I'm Drake Seven Lee. From senior high school"

"Watsup guys, you know me and I know you, I'm Kevin Nero Min"

I Love To See Your EyesWhere stories live. Discover now