Chapter 11

164 2 0
                                    

Rhiana POV

"Kyahhhh, excited na ako bukas" tuwang sabi ni krista, nandidito kami sa balcony kakalabas lang namin sa faculty room.

"Aysus, naka-bili ka na ba ng damit mo?" Tanong ni jacob dito. Natigilan naman ako ng may maalala ako, anak ng! Nakalimutan kong sumunod sa mall, baka hinihintay na nila ako.

"Oh, bakit?" Tanong ni raven ng makitang nagmamadali ako.

"Pupunta kasi ako ng mall"

"Huh? Anong gagawin mo doon?"

"Bibili ng susuotin bukas"

"Kyahhhh, sama ako. Bibili din kasi ako ng new make up ko" masayang sabi ni krista, kakabili niya lang nung isang araw, bibili na naman siya ngayon. Sabagay, mayaman kaya ganiyan.

"Kung ganun, sasama na din kami" sabi ni jacob, napatango na lamang ako.

----at the mall----

"Nasaan na ba sila?" Sabay palinga-linga ko.

"Who's your pertaining?" Tanong ni krista habang namimili ng make up.

"Sila esma"

"Really? They're here too?"

"Pina-una ko na sila"

"Then, let's find them"

"Tapos ka na bang bumili ng make up mo?"

"Of course, look" sabay pakita niya ng tatlo bag, napanganga na lamang ako. Kahit kailan ang babaeng ito, magastos. Mahirap isama sa mall ito, eh. Halos lahat bibilhin.

Yung dalawa naman nandodoon sa jewelries, bibili siguro sila ng babagay sa suot nila bukas. Ang gagastos talaga ng mga ito, hays.

Hinanap na namin sila esma hindi naman na sila nag-text sakin baka busy na ang dalawang yun.

"Wait, is that drick and zuel?" Napakunot noo ako sa sinabi ni krista habang nakaturo sa dalawang lalaking naka-tayo ice cream shop.

"Yeah, bakit naman sila magkasama?" Tanong ni jacob.

"Hindi kaya nagda-date?" Halos matawa ako sa sinabi ni raven.

"Sira! Masama bang magsama ang dalawang lalaki? Magkaibigan ang dalawang yan, eh"

"I see, sorry ah!"

"Let's go, sundan natin sila" nag-taka kami sa sinabi ni krista.

"Bakit naman? Ano namang mapapala natin diyan?"

"Malay mo, nakita nila sila esma" sabagay, may point nga naman. Pero, sikat ang dalawang yan kaya nakakahiyang lumapit.

"Kayo na lang. Ikaw krista, kaibigan naman ng kuya mo si drick. Kaya sa tingin ko papansinin ka niyan"

"Oo nga, krista. Ikaw na lang mag-isa. Alam mo namang suplado si drick at si zuel naman maangas" sagot ni raven.

"Hay naku, para naman kayong others. Tara na---lumalayo na sila, oh!" Hinila na kami ni krista kaya wala na kaming nagawa kundi sundan din ang dalawa.

Nag-taka ako ng tumigil sila sa boutique shop, bakit hindi sila pumasok at parang may hinihintay sila. Lalapit na sana kami ng biglang lumabas sa boutique shop si esma at halley. Mas lalo akong nag-taka ng lumapit sila sa dalawa, kasama nila ang dalawang yan?

May sinabi si halley sa dalawa kaya tumalikod ang dalawa habang kumakain pa din ng ice cream, napanganga naman si halley at napatingin kay esma na tumatawa ng palihim. May sinabi si esma kaya nagtawanan silang apat, they're look so happy. Ganun naman ang gusto ko, eh. Seeing my friends smiling, my heart's melting.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon