Chapter 1

347 21 49
                                    

"Sleepy?" Ngumiti ako sa batang karga. "Ang bango-bang naman ng Steffa na ‘yan."

Natutunaw ang puso ko sa mga titig ni Steffa. Katatapos ko lang gawin ang video proposal para sa reportings. Pagod na pagod ang mata sa pag titig sa may screen ng laptop. Nag pahinga ako sandali at dito nga ako dinala ng mga paa ko sa kwarto kung saan natutulog ang baby.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin matingnan si Casse sa mata. Natatakot ako. Nadamay ang anak niya sa problema ng pamilya namin. Hindi ako masyadong pinapansin ni Casse. Mas lalong dumoble ang takot ko sa sistema.

Siya ‘yung tipo ng tao na kapag ginawan mo ng kasalanan, maaaring patawarin ka niya pero hindi na babalik pa sa dati ang na sira ninyong relasyon.

Bumuntong hininga ako.

"Pasensiya ka na, Steffa, kung na damay ka sa problema ni daddy, ha? Kung alam ko lang na mangyayari sa ‘yo yun, hindi na kita sinama." Hinalikan ko nag noo niya. "Dito ka na lang sa bahay namin. Napapangiti mo ang mga magulang ko."

Dahan-dahan ko siyang binaba sa kama. Hinintay kong dumating ang isa sa kasambahay. Hininaan ko muna ang aircon bago tuluyang lumabas ng kwartong iyon.

Bahagya kong iginalaw ang leeg.

"Magandang umaga po, Ma'am Monique."

"Magandang umaga rin po, Nana Tess. Monique na lang po. " Huminto ako sa pag lalakad.

"Opo—Monique, Salamat po pala sa pinadala ninyong pera sa anak ko. Mao-operahan na siya ngayon."

"Walang ano man po, Nana."

Pinag patuloy ko ang pag lalakad pababa sa hagdanan. Naabutan ko si Casse sa sala. Tahimik siyang nakatitig sa kaharap na flower vase. Gustuhin ko man lapitan siya para kausapin ay hindi ko ginawa. Sa halip, dumiretso ako papuntang kusina.

Kailangan kong uminom ng tubig.

"Ruston," tipid na tawag ko.

Taka siyang lumingon sa akin.

"Hmm?"

Iniwas ko ang paningin sa kaniya. Tipid lang ang salitang iyon ngunit malakas ang epekto sa pagkatao ko.

"K-kumain ka na?" Nag aalinlangang tanong ko. "Kain tayo."

Matagal niya akong tiningnan bago tumango. "Okay."

Tahimik kaming dalawa sa hapag. Ngumiti ako sa kaniya. Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya. Hindi naman siya kumibo sa akin. Hinayaan niya akong gawin ang gusto ko.

Lumunok ako.

Amoy na amoy ko ang pabango niya.

Yumuko ako dahil sa hiya. Ilang taon na kaming kasal ngunit kailan ma'y hindi ko siya hinayaan kumain mag-isa dahil alam kong malungkot kapag nag iisa lang sa hapag.

"M-malapit na anniversary natin. Saan mo gusto mag celebrate?"

"Kahit saan," sagot niya na hindi manlang ako tiningnan.

Tumango ako. "Sa balsa na lang. Nag date doon si Chef Montini at Agusta. Maganda daw lalo na pag gabi. Let's go th—"

"Alright," He cut me off. "I'll go ahead. May pasok pa bukas. Kailangan kong matulog nang maaga."

"Agad? Hindi pa ubos ang kinakain mo."

"Ipakain na lang sa aso. Call the maid if you're done eating."

"Ruston," tawag ko. "Goodnight."

Isang tango ang isinagot niya sa akin bago nag martsa paalis ng kusina. Nang matapos akong kumain, ako na ang nag ligpit at hugas. Ayokong gisingin ang mga kasambahay. Tulog na ang mga iyon at maaga pa silang gigisingin kinabukasan.

Uncontrollably Feelings (Malabon Series #5)Where stories live. Discover now