Chapter 2

203 18 3
                                    

"Ano na?" Kumunot ang noo ko.

"Hello, Monique, Kumusta ang buhay?"

Ngumiti ako kay kuya Aldrin. "Maayos naman. Kayo diyan?"

"Hindi pa maayos si Agusta. Nananakit. Sabi nila dalhin na sa Mental pero ayoko." Bumuntong hininga siya. "Hindi niya kailangan pumunta roon. Gagaling siya kahit na sa bahay lang."

"Salamat. Alagaan mo ang kaibigan ko."

"Oo naman. Kayo ni Ruston? Kumusta buhay may asawa? Masaya ba?"

Ilang minuto ang itinagal bago ako nag salita. "Masaya naman. Maayos," sagot ko kahit hindi naman talaga.

Ayoko lang na magalala sila kung bakit hindi kami masaya ni Ruston. Bakit nga ba? Kasi hindi niya naman talaga ako mahal. Ako lang ang may gusto nito.

Sana huwag dumating ‘yung araw na magkaroon kami ng annulment kasi hindi ko kakayanin. Kaya niya naman siguro ako mahalin, ‘di ba? Mag hihintay ako hanggang mangyari iyon. Na pag-aaralan naman ang pagmamahal.

"Ruston," tawag ko.

Kapapasok niya lang ng pintuan. Nandirito ako ngayon sa may sala, hinihintay siya.

Ilang minuto siyang nakatingin bago nag lakad palapit sa kina-uupuan ko.

"About last week... Sa anniversary, I'm really sorry. It's just—"

"Na iintindihan ko." Dalawang beses akong tumango. "H-hindi rin naman ako nag handa kasi busy sa mga projects... Do you still wants to celebrate it?"

"Yes... Next year, i guess? Marami akong gagawin pa, eh. Nag sisimula ko na pag-aralan ang pag papatakbo ng kumpaniya namin."

Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapag salita. Bakit next year pa? Hindi ba puwedeng bukas o sa susunod na linggo o kaya naman kapag hindi siya busy? Marami rin akong projects pero nakahanap ako ng oras para pag handaan ang anniversary namin na hindi manlang siya sumipot.

"Monikaaaaa!"

Gulat akong lumingon. Huminto ako sa pag lalakad papasok ng CMU Campslus. Nag lalakad si Alexis at Cholo papunta sa akin. Malalaki ang ngiti sa labi nilang dalawa.

"Goodmorning," bati ko. "Tapos na kayo sa proposal? Pasahan na next day. Kalahati ng grades natin ‘yon."

"Tinapos namin ni Alexis kagabi," Si Cholo. "Nag over night ako sa kanila. Ay, teh! Alam mo ba..."

"Hindi niya pa alam kasi hindi naman natin siya kasama," pambabara ni Alexis.

"Shuta ka!" Hinampas siya ni Cholo. Bumaling ito sa akin. "Ang gwapo ng bunso nila Alexis! Kung wala lang akong ka-M.U ngayon, babakuran ko na."

"Ang bata pa mg kapatid ko, Cholo! Tigil-tigilan mo!"

Natawa ako sa kanilang dalawa. Kapag kasama ko sila, nawawala ang lungkot na nararamdaman ko. Nakakatuwa lang kasi kahit alam kong may problema sila, dinaraan nila sa tawa.

Pag tapos ng klase, dumiretso kami sa bahay ni Cholo. Isasama niya raw ako para makapunta na ako sa bahay nila. Sabi ko naman sa bahay na lang namin pero ayokong masira ang excitement ni Cholo. Alam kong gusto niyang ipakita sa akin ang bahay nila.

"Pasensiya ka na, Monika. Ganito lang ang bahay namin. Hindi siya ganoon kalaki pero maaaliw ka sa mga tao rito," Aniya.

"Ayos lang, Cholo. Wala akong karapatan mag demand sa bahay ninyo. Tara na."

Si Alexis ang unang pumasok. Humarang si Cholo sa mga aso nila upang hindi ito makaabot sa akin. Aaminin ko, natatakot ako. Galit na galit ang itsura ng mga aso.

Uncontrollably Feelings (Malabon Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon